Binuhat ako ni Zyrus at inihiga sa kama.
"Close your eyes" sabi niya. Pinikit ko nalang yung mata ko ng bigla niya kong yakapin.. "Sleep now, isipin mo ako yung mama mo" sabi niya. Hindi ko napigilang hindi yakapin si Zyrus. Bigla kong naalala yung feeling na kasama si Mama sa pagtulog at dahil dun tuluyan akong nakatulog.
Kinabukasan
"Good Morning. I'm your Professor for this course and subject. I just to remind everyone na hangga't maaari, no phone while on this class" sabi niya.
Nasa school ako ngayon at pinagtitinginan pa rin ako nung pumasok ako.
Nakinig lang ako sa dinidiscuss nung professor namin ng di ko namalayan na tapos na yung klase at nagpaalam na siya sa amin. Palabas na sana ako para pumunta sa next class ko ng biglang magtilian yung mga tao sa labas.
"Via" rinig kong may tumawag sa akin. Napatingin naman ako, si Braxe.
"Hayst" sabi ko sabay tingin ulit sa dadaanan ko. Nagmadali akong maglakad palayo kaso tumakbo ata tong isang to at hinila ako.
"Bat mo ko iniiwasan?" tanong niya sa akin.
"Iniiwasan? Ah--ah... Hinahanap mo ba ko?" tanong ko. Sabay tawa ng pilit.
"Totoo bang magka trabaho kayo ni Lucas!?" diretso niyang tanong.
"Ah, oo. Binigay niya din yung number mo sa akin" sabi ko.
"Ah.. Libre ka ba after class?" tanong niya. Biglang uminit yung paligid pagkatapos kong mapansin na ang daming matang umuusok ang nakatingin sa amin
"Ahm. May trabaho pa kasi ako" sabi ko
"9pm? Work?" tanong niya.
Yeah. Gabi na. 6 pm actually, and may 2 subject pa ko na papasukan. Since hatid sundo kami ni Lucas, hindi rin ako makakaalis kahit gustuhin ko. Walang shooting ngayon sila Zyrus dahil rest day nila at ilalabas na yung album nila.
"I change my schedule after knowing na evening shift ka" sabi ni Braxe. Bigla akong napatingin sa kaniya.
"Tara na" bigla akong hinila ni Lucas palayo kay Braxe. Di ko alam kung saan siya galing pero ang ganda ng timing niya.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Braxe texted me about having dinner with you. Sabihin ko nalang daw kay Boss. Di pumayag si Boss kasi masyadong gabi na daw yun" sabi niya.
"Hey Lucas" bigla kaming napatingin sa tumawag kay Lucas, at si Braxe yun kasama yung apat. "I'm talking to her. Ang bastos mo naman pre kung bigla bigla mo nalang siyang hihilahin" sabi niya pa na halatang mananakit na.
"My boss didn't allow her to have dinner tonight. So kinuha ko siya kasi hindi naman niya alam na pine pressure mo siyang sumagot" sabi ni Lucas.
"Ano bang problema ng boss mo at pati pakikipagkaibigan ni Via pinipigilan niya?" tanong ni Braxe.
"Alam mo kung ano? Alam ng boss ko na hindi lang pagkakaibigan ang plano mo kay Via. Our work is much important than dating. So stop asking her now. Go back to morning shift. Mas payapa ang evening shift since puro working student ang nandito. Pag nandito ka, parang dinala mo na din dito yung mga morning shift na habol ng habol sayo" sabi ni Lucas sabay hila ulit sa akin para umalis na.
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...