15

6 0 0
                                    

"I'll pay everything, utang mo sa parents ni Renren, mga kailangan mo para maipalibing yung mama mo at pati yung paglilibingan niya. Stay in my house, as my maid" sabi niya. Napadilat naman ako ng marinig sa kaniya yun.










"Seryoso ka ba? Bat mo naman kailangan ng maid?" tanong ko.










"I had one before, pero pinakalat niya lang kung saan ako nakatira, kaya pinagkaguluhan yung bahay ko dati. I know you, hindi ka naman maingay e. This is the best offer that I think that can help you. After all, mahihirapan ka din mag isa. Tubig, kuryente, and other bills. Stay in my house."sabi niya









Napaisip naman ako









Inabot ko sa kaniya yung savings card ni Mama.









" Help me know how much is in that card" sabi ko









"Okay" dumiretso kami sa isang bangko. At pinakita yung card. Pina try sa aking gamitin yung atm machine pero ang tanga ko kasi tinitigan ko lang.









"Ganito" tinuruan pa ko ni Zyrus kung paano gamitin yun. Pinapindot niya naman sa akin yung passcode. Birthday ko daw sabi ni Mama e..









Pagkabukas ko nun.










960,899.00









"San mo naman gagamitin yan?" tanong ni Zyrus nung makita yung lamang pera










"Saan nakuha ni Mama yung ganito kalaking pera?" tanong ko.










"Baka may interes yan" sabi niya.









Napaisip naman ako. 3 years nalang ang bubunuin ko sa college. Public school ako nag aaral. Napakalaki naman neto.









"Sabi ni Mama sa akin, gamitin ko daw para makapagtapos ako ng pag aaral" sabi ko..










"Your mom really love you" sabi niya.









Pinalipat na namin sa pangalan ko yung card. At umuwi na, nandun pa din sila at nag uusap usap. Pinakita ko naman sa mama ni Renren yung paglilibingan ni Mama. Nagulat pa sila nung sabihin ko na may kapatid ako.









Natuwa naman sila.









Hindi ko na binanggit yung about sa pera.









Umupo ako sa tabi ni Renren at Lisa. Nakaupo din sa kabilang mesa yung limang artista at pinagtitinginan sila nung ibang bisita ni Mama. Nasabihan na daw ng Mama ni Renren na paglabas nalang nung lima tsaka magpa picture. Para respeto na din sa mama ko.









Diretsong nakatingin si Zyrus sa akin.









"Anong meron sa inyo ni Zyrus?" biglang usisa ni Jolina. Nakita ko namang iba yung tingin nila Lana, Lisa at Renren sa akin.









"Wala" sabi ko. Tinignan pa nila ako na parang di naniniwala.









"Weh?" tanong ni Lisa sa akin. Tinignan ko si Zyrus at nakangiti siya sa akin.









"Bat ako tinatanong niyo. Di ba dapat si Lana tsaka si Pern?" tanong ko. Biglang nanlaki yung mata ni Lana.










"Hindi na nga kita kinulit e. Pinasa mo pa sa akin yung bola" sabi ni Lana. Tawa naman ng tawa sila Lisa. Napatingin ako sa mesa nila Zyrus. Medyo seryoso na yung usapan nila. Nang biglang sumulpot si Louise at tumabi kay Zyrus










"Zyrus, saan ka galing? Kanina pa kita tinatawagan e" rinig kong sabi ni Louise. Napatingin naman yung apat na babae sa mesa na yun.











"Napaka harot talaga. Pigilan niyo ko." sabi ni Renren.

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon