Lumabas muna ako para bumili ng pagkain ni Zyrus, chinat niya sa akin yung gusto niya at sinend sa akin yung pera.
2 sushi box
2 coke
2 fries
2 burger
2 rice
2 chicken
Naisipan kong bumili nalang sa online nung sushi na gusto niya. Tas pumunta nalang ako sa pinakamalapit na fast food chain. Mabilis naman akong natapos. Kaya naisipan kong tawagan si Zyrus para tanungin yung address ng bahay nila since dun idedeliver yung sushi.
"Anong address niyo!?" tanong ko
(Bakit?) tanong niya
"Nasa labas ako, bumili ako ng pagkain mo, oorder nalang ako ng sushi. Anong address mo" tanong ko
Bigla siyang tumawa.
(You don't have to go outside to buy it. May pagkain sa taas.) sabi niya.
"BAT DI MO SINABI? AT BINIGYAN MO PA KO NG PERA?" tanong ko.
"Hays. Umuwi ka na. Dalhin mo na yang binili mo. Ituturo ko sayo kung saan, akala ko pa naman nilibot niyo na ni Hiro yung buong place" sabi niya.
Umuwi nalang ako. At pagpasok ko, nasa sala siya tas tinatawanan ako. Inirapan ko naman siya.
Binitawan ko sa mesa yung pagkain na binili ko.
"It's okay. Kakainin ko pa din naman yan. No need to worry" sabi niya.
"Che. Umalis ka sa harap ko. Ang hirap mo kausap" sabi ko. Tas tumawa na naman siya. Hinila niya ko papasok sa isang elevator. Napansin ko na yun kanina. Paakyat kami. At bumukas yung elevator at sumalubong sa amin ang isang canteen na puro empleyado. Nag bow naman sila kay Zyrus, tas nakita kong nakaupo sila Hiro dun sa isang banda.
"Akala ko ba nilibot niyo na yung bahay?" tanong ni Zyrus kay Hiro habang tumatawa pa din. "Lumabas pa tuloy ng bahay tong isang to." sabi niya. Kunyari nalang tinitignan ko yung paligid pero nahihiya na talaga ako.
"Sorry, Via" sabi ni Hiro
"Hindi, okay lang" sabi ko.
"Boss, may update na ko sa pinapakuha mo sa akin. Bukas ko nalang dadalhin sayo" sabi ni Lucas
"Boss, I also need to talk to you, we can talk tomorrow if you're free" sabi ni Savana
"Fine. I'll call the two of you. Maiwan ko muna kayo, tuturuan ko lang yung assistant ko" sabi niya sabay hila sa akin.
Naglakad kami palapit sa counter. Pi apauna na siya nung mga empleyado pero nakapila pa din siya.
"Dito ka bibili lagi. 4th floor to. 2nd floor, office ko. 3rd floor, empleyado ni Mom lahat to. And 4th floor yung canteen. 5th or last floor, office ni Mom at ng step dad ko. I know na nameet mo yung kapatid ko kanina sa 1st floor. That's our house. May ibang exit way yung mga empleyado kaya no need for them na pumasok sa bahay namin. Only you, Hiro, Savana, Vione and Lucas know the front door."sabi niya.
" Empleyado ng Mama mo? Ibig sabihin dito siya nag ooffice sa bahay niyo!? "tanong ko.
" Yeah, private office. Madalas dito dinadala yung mga investors pero may isa pang opisina which is pinaka office ng lahat." sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
AléatoireZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...
