22

6 0 0
                                    

"Take 4 na tayo. Chris and Pern. Lagi kayong nagkakamali" sigaw ng choreographer kila Chris. Nasa shooting kami ngayon.













"Manager Yeng. Papasok na po ako sa school. Ngayon din po kasi yung 1st day ko sa school e. Pakisabi nalang po kay Zyrus. And if need po ng mag ma make up, alam na po ni Zyrus yung gagawin" sabi ko. Napatingin ako sa orasan. 9 am na.














"O sige sige. Busy pa naman sila" sabi niya. Tumango naman ako.














11 am pa naman yung klase ko kaso ayokong malate.














Night shift ako di ba? Pero inobliga nila na papasukin lahat para sa welcome back something ng school.














"Nahihilo ako shet" sabi ko. Napatakbo kasi ako dito e.













"Miss, okay ka lang?" napatingin ako sa lalaking umalalay sa akin.













"Ah. Oo okay lang ako" sabi ko sabay hawak sa ulo ko.













"Sabay na tayong pumasok. Pareho naman tayo ng papasukan e" sabi niya. Dun lang ako napatingin sa uniform na suot niya














"Oh. Student ka din dun? Anong year ka na?" tanong ko














"3rd, Junior. Ikaw ba?" tanong niya sa akin.















"Ah. Same din" sabi ko.














Nag usap na kami habang naglalakad papunta sa school.














He's Braxe Roy Corpuz, 3rd year, under College of Engineering.












"Ohhhmyghad! Sino yung kasama ni Braxe?" rinig kong sigawan nung mga babae habang palapit kami sa school.












"Oo nga no? Ngayon ko lang yan nakita dito!" sabi naman nung isa











"Braxe" biglang may humarang na babae kay Braxe. Hindi ko tuloy alam kung didiretso na ko sa loob.












"What do you want?" cold na tanong ni Braxe dun sa babae.











"Ahm Miss? Pwede bang mauna ka na sa loob?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Pero hinila ni Braxe yung kamay ko.












"May utang ka pa sa akin ah. Mamayang 1pm. Pumunta ka sa canteen" sabi niya.












Tumango nalang ako at naglakad na papasok sa loob. Pinagtitinginan naman ako nung mga tao dito. Biglang may humila sa akin










"Sabi ko na magkakaeksena ka dito" si Lucas. Oo yung isa sa wardrobe team ni Zyrus. Graduating naman siya dito.











"Paano mo nalaman na papunta na ko sa school?" tanong ko.











"Ano ba yan? Pati ba naman si Lucas?" bulungan ng mga babae sa paligid namin.












"Sinabihan ako ni Zyrus. At alam mo bang walang pwedeng makaalam sa kanila na connected tayo sa limang yun. Gulo yun. Kaya hangga't maaari, huwag mong babanggitin sa kahit na sino" sabi niya. Tumango nalang ako.












"Tara na nga. Samahan mo na ko sa dean's office" sabi ko. Tumango naman siya.











"Oh bat kasama mo yung campus heartthrob ng campus?" tanong niya











"Campus Heartthrob? Si Braxe?" tanong ko.











"Oo, Campus heartthrob siya dito. From engineering. Andaming babaeng nagkakadarapa sa kaniya. At alam mo ba yung babaeng humarang sa kaniya ngayon lang is campus queen kuno. And pinagkakalat niya lang naman na may something sila ni Braxe" sabi niya.











"Anong pangalan nung babaeng yun!?" tanong ko.











"Familiar siya sayo no? Si Aviya. Model siya. Nakasama na niya sa isang project si Zyrus kaya familiar" napatango naman ako.

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon