27

5 0 0
                                    

"Hi" isang babae ang sumigaw sa baba. Si Louise.











"Anong ginagawa mo dito?" inis na sabi ni Zyrus












"I miss you. So, nandito ako. Oh dito na din pala nakatira si Via. Hi!" sabi niya.












"Hi" sabi ko nalang.












"Di naman ako magtataka. Zyrus treat everyone equally. Kaya pati ikaw pinatira niya dito, before, when I was still----" biglang hinatak ni Zyrus yung kamay ni Louise.












Naalala ko bigla yung gabing nasa burol sila ni Mama. He treats me like how he treats the other














"What? I'm just going to tell her how kind are you" biglang lumayo si Louise kay Zyrus, tas hinila niya ko paupo sa sofa. "So, I was saying, dati din akong pinatira ni Zyrus dito" sabi niya. "And he's so kind. Kaya nga sila Savana at Vione? Akala nila may gusto si Zyrus sa kanila. Kasi napaka bait nila. Minsan napagkakamalang pa fall si Zyrus dahil sa actions niya" sabi ni Louise. " Kaya huwag kang magpapabudol sa mga good actions niya, baka pati ikaw ma fall ng di oras" sabi ni Louise












"Louise pwede ba, tumigil ka na. Wala ka ng karapatang tumapak sa pamamahay ko" sabi ni Zyrus sabay hila sa akin papunta sa likod niya.











"Binabalaan ko lang si Via na ba---" pinutol ko yung sasabihin ni Louise.











"Naranasan mo na bang matulog sa kama ni Zyrus?" tanong ko sa kaniya. Biglang humarap si Zyrus sa akin. Inaawat ako. Nag so sorry na agad yung mata niya. Si Louise naman, ngumisi.











"Oo naman. Every night we ----" tumingin si Zyrus kay Louise. Kaya di niya natuloy yung sasabihin niya.











"Ako din" sabi ko bigla. "Naranasan ko ding tumabi kay Zyrus sa pagtulog." sabi ko. Biglang napanganga si Louise sa sinabi ko











"ANONG SABI MO?" Sigaw ni Louise sa akin.











"I even hug him." sabi ko. Nakita kong tumawa si Zyrus. Susugudin sana ako ni Louise ng humarang si Zyrus.











"ANG KAPAL NG MUKHA MO" sigaw niya sa akin.











"Oh, before kang mang agaw ng eksena kanina? Nasa kwarto kami" sabi ko. Ewan ko pero bigla akong nademonyo na inisin si Louise lalo na nung ngisian niya ko kanina. Para kasing gusto niyang mang asar kaya binalik ko lang sa kaniya.












"You b!tch" sigaw ni Louise.











"Oh, we even kiss" sabi ko. Hinawakan ko yung braso ni Zyrus sabay halik sa balikat niya. Biglang umusok si Louise at tuluyan na kong sinugod. Hinablot niya yung buhok ko hanggang sa ayun nag sabunutan kami











"STOP" sigaw ni Zyrus.











"Hoy ano ba yan" sigaw ni Hiro sabay hila kay Louise palayo sa akin. Yakap yakap naman ni Zyrus yung tiyan ko para di ko masugod si Louise.











"ZYRUS ANO BA. BITAWAN MO NGA AKO" sigaw ko.












"Tama na. Via. Tama na" sabi niya. Kaya kumalma na ko nung mga oras na yun. Inayos niya yung buhok ko. Habang inaawat  pa din ni Hiro at Lucas si Louise palabas ng bahay.











"Ano na namang gulo to, Zyrus?" tanong ni Hiro sa kaniya.











"Are you okay?" tanong ni Lucas sa akin sabay abot ng salamin. At may kalmot ako sa pisngi

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon