Nagising kami dahil kay Lana at Pern na nag aaway.
"Girlfriend mo ko tas makikita kitang nakikipag usap sa ex mo. Anong gusto mong gawin ko? Pumalakpak?" tanong ni Lana
"Ay ang bruha, isiniwalat na ang relasyon nila" sabi ni Renren
"Aish" sigaw ni Lana. Sabay labas. Sinundan namin siya sa labas.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Renren kay Lana.
"Sabi niya may kukunin lang daw siya sa van. Tas nagulat ako umandar yung van. Kaya sumakay ako ng taxi para sundan siya. Nakita kong kasama niya si Anne sa isang coffee shop tapos bumalik na ko dito tas nung tanungin ko siya kung saan siya galing. Sabi niya, bumili lang" sabi ni Lana.
"Tapos?" tanong ni Lisa.
"Tapos sinabi ko na nakita ko siya. Sabi niya may emergency lang daw si Anne. Pero bakit kailangan niya mag sinungaling kung emergency naman yun?" biglang umiyak si Lana. Halatang halata sa kaniya na nasasaktan siya.
"Shhh tigil na. Mag usap kayo, pag di niyo naayos edi itigil niyo na yan. Hindi niyo kailangan umabot sa puntong magsisigawan kayo" sabi ni Jolina.
"Pu-pumayag n-na k-ko na huwag muna naming i public yung relasyon namin kasi sabi niya may iniingatan siyang reputasyon. Yun pala sabi niya itago namin para makapag kita pa sila ni Anne. Pag napanood ni Anne yung video mamaya. Malamang iisipin niya, siya yung binabanggit ni Pern dun"sabi pa ni Lana.
"Mahal mo?" tanong ko.
"Huh? Oo" sabi niya.
"Stop lying."sabi ko
" I'm not lying " sabi niya
" You will not agree to hide if you're not protecting someone too" sabi ko.
"What did you just said?" tanong ni Lana sa akin. "Look, I've been there for him for 4 years now. We become official last month. I keep on accompany him to everything. And you think na magloloko ako?" tanong ni Lana sa akin
"Yung sinabi mo ngayon, nag sink in sayo?" tanong ko. Biglang natahimik din sila Lisa sa sinabi ko. Its a bait! "Di ko alam kung paano ka gagalitin para lumabas lahat ng hinanakit mo sa kaniya. You've been there since the first day, but you didn't said that he's with you. Niloloko mo yung sarili mo sa part na ikaw yung nagmamahal ng nagmamahal, kaya ikaw ang kawawa pag iniwan ka e. Look at yourself. Nagkakaganyan ka, eh yung partner mo dun sa loob? I check mo baka wala ng pake sayo" sabi ko. Biglang napaupo si Lana sa sahig. Inalalayan naman namin siya.
"What do you mean by that?" tanong ni Jolina sa akin
"Matagal na niyang alam na play boy si Pern. Pero dahil nga mahal niya, tinuloy niya. Hindi ito ang unang beses na nahuli mo siya di ba? Yung time na nasa burol kayo ni Mama. Sabi niya magpapagpag lang siya pero dumiretso siya sa hotel kasama ang isang babae. Nakita mo yun di ba, Lana? Pero bakit ka nanahimik? "tanong ko.
" Paano mo nalaman lahat yan? "tanong ni Lana.
" Because I saw it myself, Lana. Nakita ko kung paano ka tumakbo palayo nung makita mo siyang may kasamang iba." sabi ko. Bigla siyang naguluhan.

BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...