10

4 0 0
                                    

After a month











Naging parang normal na lang yung routine ko. Aside sa tinutulungan ko si Zyrus na mag Korean. Kasalukuyan kaming nag aantay sa cue ng director. Nagpa practice kasi Zyrus at mabilis lang yung pag re retouch kaya habang malayo palang, chiecheck ko na yung mga aayusin sa kaniya.












"2 minutes break" bigla kaming nagtakbuhan sa stage, habang nag umiinom ng tubig si Zyrus, pinupunasan ko na yung pawis niya. Halatang halata sa kaniya yung pagod.












"3..2." sumigaw yung direktor. Kinuha ko na yung tubig ni Zyrus, tsaka umalis. Madalas na kaming ganito yung routine, mabilisan lang. Hindi na nga ako kinakausap ni Zyrus sa mga ganung time lang, unless may gusto siya.











Nag practice naman sila ulit.













This week na ire release yung mv nila and kasabay nun ay yung release nila ng song sa isang program sa tv.











Pinaalalahan naman kami ni Manager Yeng na huwag mawawala sa araw na yun.












Natapos silang mag practice at nag papahinga na sila. Biglang may tumawag kay Renren kaya lumabas siya.













"Via, lika dito" tinawag ako ni Renren.











"Bakit?" tanong ko nung makalapit na ko sa kaniya











"Kakausapin ka daw ni Mama" bigla na kong kinabahan nung mga oras na yun. Kinuha ko yung cellphone niya












"Hello po" pagbati ko












(Viana, andito kami ngayon sa hospital. Biglang nawalan ng malay yung mama mo. Pumunta ka na dito)














"Sige po" sabi ko sabay pasok sa loob.












"Manager Yeng, pwede po bang umalis na ko? Isinugod po yung mama ko sa hospital e" sabi ko.












"Ha? Sige iha, mag iingat ka. Magpaalam ka na lang kay Zyrus at baka bigla ka niyang hanapin" sabi niya.











"Sige po" lumapit ako kay Zyrus at tinignan niya ko.












"Renren already told me. Sige na umalis ka na. Pumunta ka bukas, may practice kami ng program ah" sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti.











"Thank you" sabi ko. Lumabas na ko at dumiretso sa hospital, pagpasok sa room kung nasaan yung mama ni Renren, umiiyak siya.












"Via" tawag niya sa akin. "I'm sorry" sabi niya. Bigla nalang akong napaupo sa sahig nung marinig yung sinabi niya.











"Nasaan po si Mama?" tanong ko. Hindi ko alam pero tuloy tuloy yung pag tulo ng luha ko











"Nasa loob siya" sabi nila. Pumasok ako at nakitang may takip na yung mukha ng mama ko.











"Ma" inalog alog ko pa siya "Mama naman. Bat di mo ko inantay makarating? Ma, tayo ka na dyan uuwi pa tayo" sabi ko habang patuloy pa din sa pag iyak. "Ma, sana inantay mo nalang ako. Ma, please naman sabihin mo nagkamali lang sila. Gulatin mo ko katulad ng ginagawa mo dati. Maaa" napaupo na naman ako sa sahig nung mga oras na yun














Binayaran ng mga magulang ni Renren yung bill namin. As soon na maayos na lahat, dadalhin na sa purinarya si Mama. Pinapaasikaso sa akin ng Mama ni Renren lahat. Tutulungan naman daw nila ako, sa bahay ibuburol si Mama. Habang nakaupo sa waiting area, hindi ko na napigilang humagulgol.

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon