26

7 0 0
                                        

After 1 month..


At ayun nga, bumalik na si Braxe sa morning shift. Kasama yung apat niyang alagad. Pero pag need naming pumunta ng school ni Lucas ng morning lagi niya pa din akong kinukulit. Naiinis na nga ako, pero wala naman siya everyday, so no tiyaga tiyaga lang. Hindi na din ako medyo nananaginip, since last week, pinuntahan ko si Mama sa sementeryo para mag sorry.












Patuloy pa din sila Zyrus sa paglabas sa tv since ayun nga na release na yung album nila. May ilang companies din na nag iinvite sa kanila para mag perform kaya medyo naging busy kami ni Lucas sa work. Pag nasa school naman kami, hatid sundo pa din kami and since ang dami naming ginagawa, haggard na kaming dalawa.











"Anong oras?" tanong ni Zyrus kay Lucas ng magpaalam kami na may event sa school at morning yun.











"7 am po yun. Required po kaming umattend e" sabi ni Lucas.











"Hiro, anong sched ko bukas?" tanong ni Zyrus kay Hiro na nakaupo sa sofa.











"7am din. Sa school nila" biglang nanlaki yung mata namin ni Lucas nung marinig yun. Napatayo naman si Zyrus.












"Bat di mo agad sinabi?" Tanong ni Zyrus












"You just ask me. Tsaka si Manager Yeng ang pumayag dun sa request ng school, since alumni ka daw" sabi ni Hiro.












"Mag aattendance na lang po kami ni Via ng mas maaga para makatulong kami backstage." sabi ni Lucas.











"Fine" sabi ni Zyrus.












"Savana, Vione. Tara ihanda niyo na yung mga isusuot ni Zyrus bukas, tawagan niyo sila Renren" sabi ni Lucas. Tumayo naman siya at iniwan ako











"Ginugulo ka pa ba nung Braxe?" tanong ni Zyrus sa akin











"Ah? Ako? Hindi na kami nagkikita" sabi ko naman.











"Hindi ka na niya tinetext?" tanong niya. Napatulala ako, kaya bigla niyang hinila yung cellphone ko.











"Ahm. Zyrus" tawag ko sa kaniya.











"See? Ginugulo ka pa din niya." sabi niya. Tumayo ako para kunin yung phone ko ng bigla niya kong halikan.











Napaatras naman ako nung gawin niya yun. Tinignan ko pa siya. Pero seryoso lang yung tingin niya sa akin











"Sorry" sabi niya. Bigla siyang tumingin sa malayo.











"Kuyaaaaa" biglang may batang tumakbo palapit sa kaniya. Napatingin naman ako sa malayo.











"Sa kusina muna po ako" sabi ko sabay bow sa kaniya.












"Nako, young master" rinig ko pang sabi ng katulong nila.












Napatakbo naman ako paakyat sa kwarto. Teka, kwarto niya pa din pala tong tinutulugan ko. Pero wala na kong pakialam. Dumiretso na ko sa banyo at naghilamos ng mukha. Iniisip ko kung ano yung nangyari at napahawak pa ko sa labi ko.












Hinalikan niya ko di ba?












Nananaginip ba ko?











Sampal dito, sampal dun











Hindi ako nananaginip.











Baka nag ha hallucinate lang ako?














"Viana" bigla akong nagulat ng may tumawag sa pangalan ko. Napalabas ako ng banyo at nakita ko si Zyrus na nakatingin lang sa akin











Nagkatinginan pa kami pero sabay din kaming umiwas ng tingin











"I--I don't know when" bigla niyang sabi..












"ZYRUS JAX SOLON" sabay kaming nagulat sa sumigaw

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon