33

6 0 0
                                    

Kinaumagahan











Tinadtad muna ako ng halik ni Zy, bago kami lumabas ng kwarto. Naka ayos na ko para pumasok sa school at siya naman suot na yung hinanda nila Savana para sa performance nila sa school.











Pagbaba namin. Kumakain na sila Renren. At ang mga bruha, prepared pala. Dala daw nila sa van yung damit nila Zach. At pati sila dito na nag ayos. Sabi ni Lucas, ganyan naman daw sila dati pa.











"Mauuna na kami ni Lucas sa inyo ah, para makapag attendance na kami. Kita kita nalang tayo sa school" sabi ko.











Pagkadating sa school nagsisigawan na agad yung mga estudyante, partida dinidisplay palang yung poster nila Zy, amaze na amaze sila. Kami ni Lucas, araw araw namin nakikita yang limang yan.











"Ang gwapo ni Boss sa poster ah. Pwede na" sabi ni Lucas.












"Nag sorry na ba si Zy sayo?" tanong ko. Tumango naman siya.











"Oo, weird nga e. Ang saya saya niya kaninang umaga. Parang may bago" sabi ni Lucas sa akin tinignan niya ko na parang naiintriga.











"Huwag mo kong tignan ng ganyan. Sinabihan ko lang siya na mag sorry sayo" sabi ko.











"Ay nako, feeling ko may something. Pero mamaya na yan. Mag attendance ka na dun sa section niyo. Mag aattendance na ko sa amin. Tas meet tayo sa hagdan near the gate para masalubong natin sila." tumango naman. Pumila naman ako para mag attendance.











"Hey" biglang sumulpot si Braxe sa harap ko.












"Oh. Ang aga mo naman" sabi ko sa kaniya.












"I know na maaga kang papasok kaya maaga din akong pumasok" sabi niya. "Ahm, Via. Baka pwede na tayong lumabas after ng event?" tanong niya











"Braxe, I'm sorry. Kasama ko kasi si Lucas. May trabaho pa kami." sabi ko sabay lakad palayo sa kaniya.











"Wala ba talaga akong pag asa sayo?" tanong niya. Sabay hila sa kamay ko.











"Wala" biglang sumulpot si Lucas tas hinila ako.










"Teka nga Lucas, bat ba lagi kang nangingialam? Boyfriend ka ba ni Via?" tanong ni Braxe sa kaniya. Tumawa si Lucas.












"Hindi ako ang boyfriend ni Via. Pero pinapabantayan siya ng boss namin. Kaya ginagawa ko lang ang trabaho ko. At kung gusto mong malaman kung may boyfriend si Via. Madami" sabi ni Lucas sabay hila sa akin. "Para talagang kabute yang lalaking yan" sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Parating na daw sila Renren"












Biglang sumulpot yung mga van nila. Nandyan na nga sila. Limang van yun. Curious pa ko sa limang van na yun kasi akala ko isang van lang gamit nilang lima.











Unang bumaba si Chris tas kumaway siya. Kasunod niya si Lana. Kasama din nila si Manager Yeng.











Sunod si Zach kasama si Renren. Tas isang lalaki.











Then si Divon na kasama naman si Lisa.











At si Pern na kasama si Jolina.











Huli si Zyrus na nasa likod si Hiro, Savana at Vione












Chineck namin ni Lucas kung saan sila pumasok para papasok nalang kami dun mamaya. Kaso pinagkaguluhan yung pinto nung room.












"Paano tayo papasok dun mamaya?" tanong ko kay Lucas.

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon