Habang iniikot ako ni Manager Yeng sa dressing room ni Zyrus, bigla siyang nagsalita.
"Paano mo napapayag si Zyrus?" tanong ni Manager Yeng
"Sinabihan niya lang po ako na ayusin ko yung make up niya e. Tas bigla ka niyang tinawag after that" sabi ko. Bigla namang napaisip si Manager Yeng.
"Umabot ng 70+ applicants kanina nung nagpost ako na need namin ng make up artist for Zyrus. Pero kaninang umaga pa mainit yung ulo niya. Napapagod na daw siya sa make up. Kaya lumabas siya kanina" sabi ni Manager Yeng. "Anong meron sayo?" tanong niya. Tinignan niya pa yung suot ko. "Sexy ka. Maputi ka din. Cute ka nga lang. Para kang baby. Hindi mga katulad mo yung tipo ng babae na magugustuhan ni Zyrus e" sabi niya pa. Totoo yung sinabi niya. Para nga daw akong highschool kasi parang ang bata daw ng itsura ko for my age. Cute size pa.
"Tapos na ba yan?" biglang pumasok si Zyrus sa kwarto niya. "This is our schedule. Wala pa kaming individual schedule. Puro group yan. You can bring your things tomorrow" sabi niya.
"Tek--"bigla niyang pinutol yung sasabihin ko.
" No buts" sabi niya sabay labas ng room
"Manager Yeng. Pwede bang hindi ako mag stay dito?" tanong ko kay Manager Yeng
"Bakit naman?" tanong niya
"Wala kasing kasama yung mama ko sa bahay pag nag stay ako dito. Sakitin pa naman yun" sabi ko.
"Wala din akong magagawa, Viana. Sobrang dami ng sched nila Zyrus for this week and next week. Kaya kahit di ka dito mag stay, parang dito ka na din mag iistay. Punong puno yan oh" sabi niya sabay turo sa hawak kong log book ata to.
"Saan ko po pwedeng puntahan si Zyrus?" tanong ko.
"Baka nasa shooting na silang lima. Di ba na make up-an mo na siya?" tanong ni Manager Yeng
"Opo." tumango naman siya.
"Nasa shooting na nga yun" sabi niya.
_____
"Alam niyong hindi ko pwedeng iwan si Mama e" sabi ko kila Renren. Nakaupo kaming lima dito at inaantay na magpa re touch sila Zyrus sa amin.
"Dalhin mo yung mama mo sa bahay namin. Dun nalang siya. Tatawagan ko nalang sila Mama." sabi ni Renren. Bigla ko naman siyang nayakap nung sabihin niya yun
"Salamat talaga ah" sabi ko
"Ikaw pa ba. Basta bukas dalhin mo na yung gamit mo dito ah" sabi ni Renren. Tumango naman ako.
"Retouch" sabi ng camera man.
Lumapit si Zyrus sa akin at tinignan ako na parang nagtataka.
"Bat mukha kang nag aalala?" tanong niya
"Bat ka pinagpapawisan muna? May electric fan naman. Naka aircon pa yung pinag sho shooting-an niyo" sabi ko sabay punas ng pawis niya.
"I don't know. Nakakailang palit na kaya kami ng damit" sabi niya
Tinutok ko sa kaniya yung electric fan na nasa harap ko.
"Ikaw lang sa mga ka group mo yung hindi water proof yung make up products. Kaya pag pinagpapawisan ka. Halatang halata" sabi ko.
"Sabi ni Louise, hindi daw worth it yung mga ganung products e" napatingin naman ako sa kaniya
![](https://img.wattpad.com/cover/286400584-288-k850857.jpg)
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...