"Should we reveal their works?" tanong ni Hiro kay Zy.
"No, lalong hindi. Sinabi mo sa akin na di madadamay sila Lucas at Via dito." sabi ni Zy. "Lalo na si Via" sabi niya
"Ano bang gustong pustahan ni Braxe?" tanong ko kay Jolina.
"Date. Sila Zyrus yung mag aarrange ng date niyo. Not just that, lima sila sa date. Lima silang aarrange-an ng date. At isa ka dun sa limang babae" bigla akong narindi nung narinig ko yun.
"Gastos niyo lahat?" tanong ko.
"Yung 20k na inalok ni Chris kanina. This time dinagdagan nila. Ayaw daw nilang hawakan yung pera na yun. Kaya gagamitin nalang daw sa date" sabi ni Lana.
"Zy" tawag ko kay Zyrus. Tumingin siya sa akin sabay upo sa upuan.
"Ayoko. Please huwag mong sabihin na papayag ka" sabi niya
"Papayag ako" sabi ko. Napatingin sila Zach sa akin. "Kasi may tiwala ako sa inyo. May tiwala ako na maipapanalo niyo yung laro" sabi ko. "You can do this. Kung matalo man kayo, edi tatanggapin natin. And it's just a date. Aanhin ko yung date kung nandyan ka na" hinawakan ko yung kamay niya sabay upo sa harap niya
"Via naman e. Alam kong may tiwala ka sa amin. Pero ayoko na isipin mong ginamit ka namin sa pustahan" sabi niya.
"Zy, galingan mo sa game mo" sabi ko "Ano bang makukuha niyo pag nanalo kayo?" tanong ko.
"Hiro" tawag ni Zy kay Hiro.
"Brand new sports car and 4 brand new cars " bigla akong napanganga nung sabihin ni Hiro yun
"Bramd new?" tanong ko.
"Oo, Braxe's family owns a car company. And he said that if they lose, each of the members will get their own car from their company, and Zyrus will get the sports car" sabi ni Hiro
"Ang ganda pala ng offer nila. Ipanalo mo tong game na to please" sabi ko. Tinignan naman ako ng masama ni Zyrus.
"Gusto ko magpahinga. Lika dito" sabi niya sabay hila sa akin. Dahilan para mapaupo ako sa tabi niya. Nasa upuan kasi siya na malaki. Sinandal niya yung ulo ko sa balikat nya tas sumandal siya sa ulo ko sabay akbay sa akin.
"Iwan niyo muna kami. Mag uusap kami" sabi niya kila Hiro. Umalis naman sila Hiro at nagpahinga na din yung ibang members.
"12 nn. Gumising kayo may magpapa autograph sa inyo." sabi ni Manager Yeng kila Zach na natutulog na din ngayon.
"Naakit ka sa kotse no?" tanong ni Zyrus sa akin
"That cars is more than 20k"sabi ko.
" That's what I said earlier. Pero nung nalaman ko yung kondisyon nila. Wala na kong pake kung ilang kotse pa yun" sabi niya.
"I can tell him na may boyfriend na ko. So you don't need to get jealous" sabi ko. Bigla niyang pinitik yung noo ko.
"I'm not jealous" sabi niya. Hinalikan niya yung labi ko. "I love you" sabi niya....
"I love you too" sabi ko. Sabay halik ulit sa kaniya..
Niyakap niya na ko at nakatulog na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...