"Hindi first time yun!?" nandito kami sa sala at nag usap usap kami.
"Oo. May mga fans na bigla bigla nalang magsasabunutan dati dahil kay Zy, tapos dati si Savana at Louise nag sampalan din dahil kay Zy, kaya hindi na bago sa amin to" sabi ni Hiro.
"Malikot nga daw ang mata ni Boss e. Pag tinignan ka kasi niya. Para din daw siyang nakatingin sa iba. Tas ayun pinagsisimulan ng away" sabi ni Lucas.
"So, anong pinagsimulan ng away niyo?" tanong ni Hiro.
Biglang tumawa si Zyrus habang ginagamot yung sugat ko.
"Ang cute mo kasi e" sabi ni Zyrus sa akin. Tinignan ko naman siya na parang nang iinis.
"Sa susunod, hindi na kita ipagtatanggol sa babaeng yan." sabi ko sabay turo kay Louise. Oo nandito pa siya, ginagamot ni Hiro yung sugat niya sa leeg. "Sinisiraan niya si Zyrus e. Eh boss ko to." sabi ko.
"Boss mo ba talaga?" tanong ni Zyrus sa akin.
"Boss? Katabi mo sa pagtulog, hinalikan mo, niyakap mo pa. Boss ba yun?" tanong ni Louise. Tumawa naman si Lucas. Di ba alam ni Lucas na dun ako natutulog sa kwarto ni Zyrus. Tas si Hiro kaunti nalang papasukan na ng langaw yung bibig niya.
"Sa kwarto ka ni Zy natutulog?" tanong ni Hiro. Biglang tumayo si Louise.
"See? Kahit si Hiro di alam?" tanong ni Louise. Inikot ko naman yung mata ko sa paligid.
"Ano bang masama sa pagtulog sa tabi ni Zyrus?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman kayo di ba" pang inis na tanong ni Louise sa akin.
"Sinong nagsabing hindi?" tanong ni Zyrus kay Louise na nagpaluwa ng mga bibig nila Hiro, Lucas at Louise.
"Che. Manahimik ka nga. Hindi kami ni Zyrus" sabi ko. "Pero lahat ng sinabi ko sayo kanina. Totoo" sabi ko habang iniinis si Louise.
"Nag kiss na kayo ni Boss?" bigla kaming natahimik sa tanong ni Lucas.
Napaupo nalanh ulit ako at nakita kong tumatawa si Zyrus
"Zy?" naiintrigang tanong ni Hiro.
"I'm just going to ask her to be my girl. Dapat kanina, kaso dumating si Louise" sabi ni Zyrus.
Biglang kinilig si Lucas.
"And nag kiss kayo kahit hindi pa kayo!?" tanong ni Hiro
"That was an accident. Okay?" sabi ko kay Hiro.
"Accident" pag eemphasize ni Louise sa sinabi ko.
"Nasira na lahat ng plano ko" sabi ni Zyrus.
"Ohmyghad" bigla kaming napatingin sa dumating. Sila Zach, kasama sila Renren.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Divon kay Louise.
"Anyare sayo girl?" tanong ni Lana sa akin
"Nagsapakan kayo no? Sayang di namin naabutan" sabi ni Pern
"Hoy anong ginawa mo kay Via ah" susugudin dapat ni Renren si Louise kaso pinigilan na siya ni Zach.
"Di ko pala nasabi sayo, pupunta sila Zach. Sinama na nila sila Renren." sabi ni Zyrus sa akin.
"Bat mo sinabi kung kailan nandito na sila!?" tanong ko.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Lisa
"Edi binanatan ko yan. Pangit ng ugali e" sabi ko sabay turo kay Louise.
"Ay deserve" sabi ni Jolina sabay palakpak.

BINABASA MO ANG
My Magic Creator
SonstigesZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...