Viana Cruz. Simpleng babae na hindi makapagtapos ng pag aaral, dahil sa kahirapan ng buhay. Tanging nanay niya nalang ang nag iisang kasama niya sa buhay. Tumigil siya sa pag aaral ng patuloy na magkasakit ang kaniyang ina, at di na niya ito maiwan mag isa.
Tinawag ni Renren si Viana. Kilala si Viana na maging sa pagpipinta. Dahil sa kahusayan nito, pati ang pag ma make up ay kaniyang naging interes. Sumali siya sa iba't ibang kompetisyon para sa kanila ng kaniyang ina. Dun siya nakilala nila Lisa na ngayon ay make up artist na ng Trinitrix.
Wala ng pinagkakakitaan si Viana kaya agad niyang tinanggap ang inaalok ni Renren, pero bukas ng umaga pa siya makakapunta. 11 pm na at sinusumpong ng lagnat ang kaniyang ina.
"Sige, basta pumunta ka bukas. 7 am. Ise send ko sayo yung address. May panibagong application ulit bukas. Dalhin mo yung resume mo" masigasig na pagpapaliwanag ni Renren sa kaibigan. Oo, magkaibigan si Renren at Viana. At sa isang make up competition din sila nagkakilala.
"Salamat, Ren" sabi ni Viana. Bago tuluyang humiga katabi ng ina.
____
Kinabukasan.
Alas sais palang ng unaga ay nakagayak na si Viana. Iniwan niya ang kaniyang ina sa bahay ng kaniyang pinsan, at pinag patuloy muna dun habang naghahanap siya ng trabaho.
Nakarating siya sa kompanya sa ganap na 6:30 ng umaga. Ang pila ng mga nais na naging make up artist ay kasing haba ng pila pag kukuha ng relief good. May ilan na maayos ang suot na damit. Habang si Viana ay naka pantalon lang at puting tshirt. Tinawagan niya si Renren pero hindi nito sinasagot. Ilang sandali lang ay lumabas si Zyrus. Ang lalaking crush ng lahat. Biglang nagtilian yung mga babae na parang walang bukas. Tinignan ni Zyrus yung pila sabay balik ang tingin sa daan.
Ganap na alas 8 ng umahmga ng bumalik si Zyrus at dun lang nag umpisang mabawasan yung mga nakapila. Akala ni Manager Yeng ay tuluyang mababawasan ang mga empleyado pero hindi. Mas lalong dumami.
Hindi na nakatiis si Viana at umalis siya sa pila. Bumili siya ng tubig dahil sa pagod. Nakita niya si Renren kasama sila Jolina at parang pare pareho silang problemado
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Viana kila Renren
"Mainit na naman ang ulo ni Zyrus. Nadamay na kami sa galit ni Manager Yeng kaya pinalabas muna kami" sabi ni Lisa.
"Renren" napatingin kami sa lalaking tumawag kay Renren. Unting unti, lumapit si Zyrus kay Renren.
Sa sandaling makalapit si Zyrus kay Renren. Napansin ni Viana na may lagpas na eyeliner. Kaya kinuha niya ang tissue niya sabay sabing...
" Huwag kang gagalaw" sabi niya kay Zyrus. Napatingin si Zyrus kay Viana at tinanggal ni Viana yung lagpas sa mata ni Zyrus.
"Ano ka ba" hinampas ni Renren yung kamay ni Viana, sa pag aakalang magagalit si Zyrus.
"Sino siya?" tanong ni Zyrus.
"Boss. Si Viana pala. Nag aapply siyang make up artist mo. Pasensya na talaga sa ginawa niya" hindi pinansin ni Zyrus si Renren at hinila si Viana.
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...