Napatingin ako sa pinto kung saan nakatayo si Zyrus.
"Do you need anything?" tanong ko.
"Via, I know na hindi mo---" pinigilan ko siya sa pamamagitan ng isang halik sa labi. Nakita kong nanlaki yung mata niya. Bigla naman akong napatalikod after ng kalokohang ginawa ko. Gusto ko lang naman icheck kung gusto ko siya. Pero bat ang lakas ng tibok ng puso ko?
Pinalo palo ko pa yung ulo ko pagkatapos ng ginawa ko. Nakakaloka ka Viana!
"Via" narinig kong tawag ni Zyrus. Tinignan ko siya at tinatawanan niya ko ngayon.
"Oh, I didn't mean to do that. I'm just checking something" sabi ko.
"Checking something with my lips?" tanong niya. Napapikit naman ako.
"Sorry" sabi ko nalang lumapit siya sa akin sabay hila ng bewang ko palapit sa kaniya.
"Via, pag hinalikan mo ko, panindigan mo" sabi niya sabay halik ulit sa labi ko. "I love you" sabi niya. "Will you be my girl?" tanong niya.
"Y-Y-you're girl?" tanong ko. Tumango siya.
"Ayaw mo ba?" tanong niya.
"Huwag kang gagalaw ah" hinalikan ko siya and this time matagal na yung kiss na yun. Hindi katulad kanina na puro smack lang. Siya yung unang humiwalay sa halik na yun.
"Tayo na?" tanong niya.
"Uhm. Hindi pa. Gusto kong makita kang umiyak" sabi ko. Bigla niya kong binitawan.
Tas tumingin siya sa taas. Now I know na I like this man. "Joke lang" sabi ko. "Tayo na" bigla niya kong binuhat sabay yakap sa akin.
"Paiyak na kaya ako" sabi niya.
"Zyrus" tawag ko sa kaniya
"From now on call me 'Zy'." sabi niya. Tumango naman ako.
"Zy" sabi ko. Tumingin siya sa akin.
"Bakit?" tanong niya sa akin
"Can we not tell this to others? Sa ating dalawa muna to. Please? Since kakalabas lang ng album niyo, baka biglang kumalat yung relasyon natin, issue na naman yun sayo." sabi ko. "Gusto ko lang ingatan mo yung pangalan mo" sabi ko naman. Niyakap niya ko.
"Okay. It's just between us" sabi niya. "Oo nga pala. Tulungan mo muna ako maglinis sa baba. Mag so sorry nalang ako kay Lucas bukas. Medyo mainit lang talaga yung ulo ko kanina" sabi niya tumango naman ako. Bumaba kami at wala na si Zach dun. Lumabas naman galing sa guess room si Hiro. Nakatulog na pala si Zach at siya na ang nagdala sa kwarto.
"Matutulog na ko. Kayong dalawa na ang bahala dyan" sabi ni Hiro, habang naglilinis ako ng mesa at nagwawalis naman si Zyrus.
Pagkatapos ko maghugas ng pinggan, umakyat na kami ni Zyrus at natulog na.
Oh alam kong iniisip mo, bata. NATULOG lang talaga kami kasi tinamaan na si Zyrus ng alak.
Tinapos ko na yung assignment ko mung makatulog na si Zyrus.
"Di ko naman siguro pagsisisihan na sinagot ko agad siya without ligawan stage no?" tanong ko sa sarili ko. Napaisip ako bigla dun ah. Oo nga no? Hindi siya nanligaw sa akin. Ano kaya yun.
"Gusto mo bang ligawan muna kita?" bigla akong napabalikwas ng umupo si Zyrus mula sa pagkakahiga.
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
De TodoZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...
