Nasundo na namin si Divon at Lisa. At nakarating na din kami sa studio.
...
Inayusan na namin sila Zy. Sila Savana naman sumunod nalang kasi kumuha pa sila ng damit nila Zy.
"Magic" sabi ni Zy habang tinitignan yung mukha ko. "My magic creator" sabi niya.
"Are you okay?" tanong ko. Tumango naman siya.
"I want my fans to know you. As my girlfriend" bigla naman akong napatingin sa kaniya. Napatingin naman ako kila Chris na naka tingin sa amin. "I know, I can't" sabi ni Zy habang nakatingin kila Chris
"Bro, think twice. Isipin mo yung hate na naranasan ni Louise before nung kumalat yung relationship niyo. Mas worst pa mararanasan ni Via. Pati nitong si Lana" sabi ni Chris. Tumango naman si Chris.
"I understand" sabi ni Zy. Bigla niya kong hinila para mapaupo sa lap niya.
"Mag ingat sa camera ah" sabi ni Manager Yeng na napatingin sa amin. Tumango naman si Zy
"Required bang umupo sa lap pag mag ma make up?" tanong ni Lisa. Na halatang inaasar ako
"Kakausapin daw tayo nung host bago mag start, umayos na kayong dalawa. Baka biglang pumasok yun" sabi ni Chris.
Tumayo naman ako at saktong pumasok nga yung host
"Hi" nakipag beso sila dun sa host at pumunta naman kami sa isang gilid.
"Hello po" sabi ni Chris
"Remind ko lang kayo about sa magiging interview. Some of the questions are from fans, mag pe perform kayo and lastly personal questions might be encountered. So, if you have problems with that ypu can laugh it nalang. Kasi required akong itanong yun. Just tell me if that's okay with your group" sabi nung host. Tumango naman silang lima
"Nako, ingatan mo yang jowa mo. Yang host na yan. Madalas, as in madalas harutin si Zyrus sa mga interview nila. Before pa sila umaattend sa show na to e." sabi ni Jolina sa akin
"Huwag niyo ngang bigyan ng problema si Via" sabi ni Renren.
"Wina warning-an ko lang siya. Since need nyang bantayan si Zy" sabi ni Lisa.
"Stop it, binibigyan niyo lang ng po problemahin at pagseselosan si Via" sabi ni Lana.
"Ah talaga?" tanong ko sa kaniya. Sabay sabay kaming tumawa.
"Pasarado, I mean paki lock nga yung pinto dyan" sabi ni Zyrus.
Sinarado nila yung pinto at nagtanong yung host kung bakit.
"After the overall interview, we will make an announcement" sabi ni Zy. Pati sila Chris nagtaka sa sinabi niya. "It's a private matter" sabi niya. Tas bigla siyang tumingin sa akin. Bigla namang hinila ni manager Yeng si Zy nung mapansin niyang tumingin si Zy sa akin.
"Let him do it." sabi ni Chris. Tuluyan ng lumabas yung host
"Buhay ni Zy to. Hindi natin siya pwedeng pigilan" sabi ni Zach
"Oh sige. Kapalit nun, tatanggalin namin si Via sa team ni Zy" sabi ni Manager Yeng.
"You just let me resign my job" biglang napatingin si Manager Yeng kay Zy.
"Ano bang nangyayari?" tanong ko
"Zy's planning to public your relationship" sabi ni Manager Yeng
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
CasualeZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...
