After ilang minutes, nakapasok din kami. Paano? Nagsuot kami ng jacket, shades, sumbrero at mask na nasa loob ng van ni Zy. Sabi ni Lucas, nilagay niya daw yun para sa amin. Para hindi kami makita. Nagpanggap pa kaming body guard para lang makapasok
Sobrang lakas ng tilian, may mga banner pa sa bawat floor.
"Please wait for a minute before we start the program" sabi nung host
"Bat ang tagal niyo?" tanong ni Zy sa amin ni Lucas nung makapasok kami. "Fine huwag na kayong mag explain. Ayusin niyo na yan. Ayusan mo na din ako" sabi ni Zy.
Kinuha ko na yung gamit ko na pinadala ko kanina kay Vione.
"Tingin sa akin" sabi ko kay Zy. Bigla siyang tumingin sa mata ko
"Sayo lang naman talaga ako nakatingin" sabi niya. "Akala mo hindi ko alam na ginulo ka na naman ni Braxe" sabi niya. Tinignan ko si Lucas, pero nagtatakip siya gamit yung damit ni Zy.
"Huwag kang magulo" sabi ko. "Wala lang yun. Tsaka nilayo naman agad ako ni Lucas. Thanks to you" sabi ko
"Kaya ba, 5 minutes?" tanong ni Manager Yeng.
"Magbihis ka na." sabi ko. Tumango naman siya.
"Viaaaa help" sigaw ni Renren.
"Bakit?" tanong ko sabay lapit kay Zach.
"Huhuhu, may tigyawat si Zach e. Di ko matakpan" sabi ni Renren. Nakita ko naman si Zach na chinecheck yung tigyawat niya. Hinila ko yung make up kit ko tas pinaharap si Zach sa akin.
"In love ka ba? Bat ka tinitigyawat" tanong ko sa kaniya.
"Oo, In love kay Renren" sabi niya. Napatigil naman ako sabay ngiti.
"Taray, ang lalandi" sabi ko.
Nakita ko si Renren na nag blush..
Natapos kong ayusin yung problema ni Renren.
"Oh, maganda yan pang cover ng pimples, yan gamitin mo pag umatake pagiging lover boy ng boss mo" sabi ko sa kaniya sabay abot ng foundation, pinalo naman niya ko sa kamay.
"Ano ba" sabi niya "Ayaw kasi ni Zach ng sobrang kapal na foundation kaya hindi ako gumagamit ng ganito sa kaniya. Kaya wala din kaming dalang ganyan. Hindi ko naman ineexpect na magkakatigyawat siya" sabi pa ni Renren.
"Just use it pag may tigyawat siya. Magkaiba sila ng skin type ni Zyrus, kaya naiintindihan ko bat ayaw ng makapal na coverage ni Zach" sabi ko.
"With there new song entitled, Secret. Please welcome, Zyrus, Zach, Chris, Divon, and Pern. The NEXT STEP" sabi nung host. Lumabas naman kami para panoorin sila.
Nag perform sila. Sobrang lakas ng sigawan. Tumatawa na nga sila Chris kasi di nila marinig yung sounds.
"HIYUUUUUU Y UNIVERSITY " sigaw ni Zyrus pagkatapos nila mag perform. Cheer yun ng school. Y University. Remember dito grumaduate si Zyrus.
"Hiyuuuu~~ Hiyuuuuu ~~ Y UNIBERSIDAD" sigawan ng mga estudyante.
Umayos sila ng pila at nagsimula na silang mag bow. Sa mga estudyante. Sa teachers pati sa mga board of directors na ininvite ng school.
"Ang gwapo nila no?" rinig kong sigawan ng mga estudyante dito sa likod.
"Pern, pakasalan mo na ko" bigla kaming nagtawanan sa reaksyon ni Lana nung marinig yun

BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RawakZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...