Viana's POV
Dinala ako ni Zyrus sa isang kwarto kung saan nandun din yung mga ka group niya.
"Boss, galit ka ba?" tanong ni Renren na halatang hinabol kami hanggang dito.
"Hindi." sabi niya. "Hoy ikaw, oo ikaw, ayusin mo yung make up ko" sabi ni Zyrus at nakatingin sa akin sa pamamagitan ng salamin sa harap niya
Tumango naman ako. Hindi ako makasagot kasi pinandidilatan ako nila Renren na parang sinasabi na ayusan ko na si Zyrus.
Kinuha ko muna yung make up remover. Napansin ko na may mga spots sa mukha niya na nag re reddish. Pagkabura ko ng make up niya. Kinuha ko yung gamit ko. Kinuha ko yung ilang skin care products ko.
"Ano yan?" tanong nya sa akin
"Serum, toner, moisturizer, eye patch, lip mask, sun screen and full coverage foundation. Mas safe tong foundation na to kesa sa ginagamit mo. Hindi din maganda sa skin yung make up. Minsan pa, nakakatulugan natin. Kaya nagkakaroon ka ng tigyawat or mga spots katulad niyan" kinuha ko yung electric fan at nilagyan muna siya ng skin care. Bago kasi ako mag make up. Nag iiskin care ako para hindi ganun ka affected yung face. Specially sa araw, kaya may sun screen din ako. "Habang nilalagay ko to, ieexplain ko din sayo kung ano tong nilalagay ko. Nag su sun screen naman sila no?" tanong ko kila Renren.
"Di namin alam kung nilalagyan siya ni Louise dati. Pero sila Zach meron" sabi ni Renren
"Yah"tinignan niya ko." Nagsa sun screen ako. Maingat pa din ako sa mukha ko. Nagkaroon lang ako ng mga ganito sa mukha dahil sa pagod at puyat."sabi niya sa akin
" Tsk"sabi ko sabay iling. "Maghilamos ka tuwing gabi or kahit mag make up remover ka lang. Basta hindi ganun katagal naeexpose yung mukha mo sa make up. Bibigyan kita ng list ng products na bagay sa skin type mo. Pareho lang pala tayo ng skin type." sabi ko habang hinahawakan yung pisngi niya.
" Iisipin ko na may gusto ka sa akin pag pinagpatuloy mo pa yan" sabi niya
"Gusto mo ng make up artist di ba? Expect na laging mahahawakan yung mukha mo. Don't worry. Malinis yung kamay ko" sabay bitaw sa mukha niya
Nag simula na kong mag lagay ng make up sa kaniya. Sobrang light lang nun and more on eyeliner yung pinapa emphasize nila sa akin. Kahit make up nila Zach ganun din.
" Manager Yeng" biglang sumigaw si Zyrus dahilan para lumabas ang isang babae mula sa isang kwarto
"Ano na naman? At sino to?" tanong ni Manager Yeng sabay turo sa akin.
"What's your name again?" tanong ni Zyrus sa akin
"Viana. Viana Cruz" sabi ko naman.
"Manager Yemg, this is Viana Cruz. My new make up artist and Personal assistant" sabi ni Zyrus. Bigla namang nagtatatalon sila Renren. Napangiti naman yung manager nila tas niyakap pa ko.
"Finally. After many applicants. Nakahanap ka na." sabi ni Manager Yeng
"Iexplain niyo na sa kaniya yung gagawin niya" sabi ni Zyrus sabay labas na naman.
BINABASA MO ANG
My Magic Creator
RandomZyrus thinks that when Viana touches his face, a magic starts to happen. Viana is a make up artist who didn't experience entering a school. It's just her hobby. But this hobby will bring her to Zyrus. A idol and a member of a 5 member group that is...