17

8 0 0
                                    

"Iba yung ngiti ni Zyrus kay Via" sabi ni Jolina.









"Napansin niyo din?" tanong ni Divon.










"Wala bang gusto si Zyrus kay Via?" tanong ni Lisa.









"Wala naman siyang sinasabi" sabi ni Pern.









"Ikaw ba, may gusto ka ba sa kaibigan namin?" tanong ni Zach sabay tingin sa akin.









"Ah!? Ako?" tanong ko. Umalis si Zyrus para ihatid sa labas si Louise kasi nainis si Louise pagkatapos siya pagtulungan nila Renren.









"Oo, malamang ikaw" sabi ni Chris










"Mabait si Zyrus, mukha lang siyang masungit, pero masaya siya kasama" sabi ko.









"Oo na ba ang sagot sa tanong ni Zach?" tanong ni Renren.










"Slight?" sabi ko. "I kinda like his personality" sabi ko










"Hoy linya yan ni Pern e" sabi ni Lana. At ayun nga. Nagsimula na silang asarin si Lana at Pern









Biglang umupo si Zyrus sa upuan habang pinupunasan yung pisngi niya.









"T@ngin@ tol."sabi ni Zyrus kay Zach. Kumuha naman ng tissue si Zach.









" Hinalikan ni Louise to sa pisngi to" sabi ni Divon









"Kawawa ka naman, Zyrus" sabi ni Renren.










Napatingin si Zyrus sa akin.










"Samahan mo naman ako sa banyo" sabi niya sa akin. Tumayo naman ako at sumunod siya sa akin. Nag hi pa si April sa kaniya.









"Mag empake ka na bukas ah. Para mabilis nalang yung paglipat mo" sabi niya.










"Okay po" sabi ko.











"Kainis" sabi niya habang pinupunasan ng kamay niya yung lipstick.










"Akin na nga" sabi ko, hinila ko yung mukha niya. Kumuha ako ng tissue, natulala siya sa ginawa ko.











"You're beautiful" sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya pero umiwas din, tinignan ko yung mukha.










"Nanigurado pa ang bruha" sabi ko. "Ayan na, may kaunting red mark lang. Pero matatanggal yan" sabi ko. Tumango naman siya. Naghilamos siya ng mukha at napansin ko agad yung red spot sa mukha niya.










"Na sayo yung cream e. Di rin alam ni Louise na may nilalagay kang cream kaya dinirect niya yung make up." sabi ni Zyrus











"Hindi na talaga mahahawakan ng babaeng yan yung mukha mo" sabi ko. "Intayin mo ko dito, kukunin ko yung cream" sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto. Nakita ko naman agad yung cream kaya nabalikaan ko agad si Zyrus.










Pinahidan ko na agad yung mukha niya tas tinawanan ako ng baliw na to.











"Don't mind me" sabi niya. Tumango nalang. Bumalik na kami at dun na sila nag umpisang mag asaran.











Ilang sandali lang ay pumuwesto sa labas sila Zyrus. Nagligpit naman kami ni Renren ng mga gamit dito sa loob.












"What if Zyrus likes you?" tanong ni Renren












"Do you know how impossible it is." sabi ko.











"No, I think it's really possible. Look at him" sabi ni Renren sabay turo sa labas kung saan nagtatawanan sila Zyrus. "He never smile like that before. Lalo na pag may ibang tao" sabi niya.











Napatingin naman ako sa paligid at may ilan pang tao.











"Don't overthink too much" sabi ko.











Tumayo si Chris at Zyrus palayo kila Zach. Lumapit naman kami sa kanila at pinag uusapan nila kung gaano ka weird si Chris

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon