11

4 0 0
                                    

Renren's POV










Agad akong umuwi ng sabihin ni Mama sa akin yung nangyari sa Mother ni Viana. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa iba, hindi rin alam nila Lana yung nangyari.











Pagkadating ko sa habang nandun si Viana, iyak ng iyak. Niyakap ko siya nung mga oras na yun.











"Wala na kong kasama" pinipigilan niyang hindi umiyak pero kusang tumulo yung luha niya












"Shhhh. Huwag ka ng mag alala. Andito kami para sayo" sabi ko. Iyak pa din siya ng iyak.











Si Via yung klase ng tao na tahimik lang. At naiintindihan ko siya kung bakit siya ganun.











Lumaki na siyang walang tatay, wala din siyang kapatid. Nung una, okay pa sila. Nagta trabaho pa dati yung mama niya. Kaso nung tumuntong siya ng College, nalaman niyang may sakit na yung mama niya. Kaya tumigil siya. Siya na ang nagtrabaho sa kanilang dalawa. Gusto niyang mag aral pero mas pinili niya ang nanay niya.












"P-pano na ko-o?" umiiyak pa din siya. "Si Mama nalang meron ako. Si Mama nalang yung dahilan ko kung bakit ko gustong mabuhay" hindi ko na napigilang umiyak dahil ako mismo nasaksihan ko kung paano mahalin ni Via ang mama niya.











_____

Kinabukasan din ay nadala na sa bahay nila yung mama niya para sa burol. Nung una ayaw ni Via na magkaroon ng burol dahil ayaw niyang tanggapin. Kinausap lang siya ni Mama kagabi.











Nasa kompanya na ko, hindi makakapasok si Via ngayon dahil nga dun. Kaya nilapitan ko si Manager Yeng para ipaalam











"Manager Yeng, hindi po kasi makakapasok si Viana ngayon. Kamamatay lang po ng Mama niya kagabi" sabi ko.











"Oh. Puntahan natin siya mamaya. Pero, bat ngayon mo lang sinabi? Magwawala na naman yan si Zyrus" sabi niya.











"Huwag niyo na po muna ipaalam sa mga artist. Tawagan niyo na po agad si Louise" yun nalang naiisip kong paraan e.











Mina make-up ko na si Zach nung dumating si Zyrus.











"Nasaan si Via?" tanong niya kay Manager Yeng.











"Hindi daw makakapasok." sabi ni Manager Yeng











"Bakit hindi siya nag chat sa akin?" tanong ni Zyrus, sabay iling. Umupo na siya at kinuha yung phone niya.











Ilang sandali lang dumating si Louise.











Tinignan namin sila habang pinapaliwanag ni Manager Yeng kay Zyrus na si Louise muna ang mag aayos sa kaniya.











"NASAAN SI VIANA?" nagulat kaming lahat ng sumigaw si Zyrus, napaatras naman si Louise sa sigaw na yun "Renren" tinawag niya ko. Tumayo naman si Zach. Kasi lumapit si Zyrus sa akin.











"Zy, kumalma ka muna" sabi ni Zach











"Nasaan si Via?" tanong ni Zyrus na halatang nagtitimpi.











"Hindi daw po siya makakapasok---" sabi ko. Pero nagalit na siya












"OO, ALAM KONG HINDI SIYA MAKAKAPASOK PERO BAKIT" Sigaw niya











" KAMAMATAY LANG PO KASI NG MAMA NIYA KAGABI" napatigil si Zyrus dahil sa sigaw ko. Napatingin naman sila Zach sa akin. Pati sila Lana na hindi din alam kung anong ire react.











"Zyrus, kumalma ka muna. Pupuntahan natin si Via mamaya. Sa ngayon kailangan mo maghanda para sa shooting. Tutulungan ka naman ni Louise e" sabi ni Manager Yeng. Napaupo naman si Zyrus pabalik sa upuan niya

My Magic Creator Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon