Chapter 1 – Bestfriend
"Good morning, sleeping beauty." Bungad na bungad na rinig ko pagmulat ko ng mata ko.
Kinusot ko yung mata ko habang umayos ng upo sa kama ko. Nakita kong chill na nakaupo si Angelo sa couch ko dito sa kwarto. He was wearing his usual smirk-y face.
Dumampot ako ng unan at binato sakanya. "Pinapanuod mo na naman akong matulog noh!" Inis na sabi ko.
For sure, puno na naman ng mukha ko habang tulog yung camera roll niya. This ass.
He laughed. "It wasnt my fault na tulog mantika ka." Aniya at binato ulit sakin yung unan.
Nang masapul ako sa mukha ay mas dumoble pa yung tawa niya.
I glared at him. "Mamatay ka sana kakatawa!" I hissed before getting up on my feet.
Rinig na rinig ko yung lakas ng tawa niya habang nasa loob ako ng CR. Binuksan ko ng bahagya yung pinto ko. "Humanda ka lang sakin paglabas ko! Makikita mo! Tawa ka pa!" Sigaw ko at padabog na sinarado ang pinto.
"I love you too!" Sigaw niya mula sa labas.
Gago talaga yun.
Paglabas ko after kong maligo ay nakahiga na siya sa kama ko at nagcecellphone. Saglit niya kong tinapunan ng tingin bago bumalik sa pagkakalikot ng cellphone niya. Nakapalupot lang yung isang towel sa katawan ko at nasa buhok ko naman ang isa pa.
"Labas na. Magbibihis ako." Sabi ko habang namimili ng isusuot na damit para sa lakad namin.
"Sus. Edi magbihis ka lang. Wala naman akong makikita dyan noh. Flat kaya yan." Natatawang pangaasar niya.
Hinila ko siya patayo at tinulaktulak palabas ng kwarto ko. "Bwisit ka! Meron to! Umalis ka na nga!"
Itinaas niya yung dalawang kamay niya as a sign of defeat. "Okay okay. Lalabas na nga po." Aniya.
Bago ko masarado ang pinto ay hinarang niya ulit yun. "Bilisan mo ha. Wag ka na magpaganda, wala namang magbabago." Aniya at tumawa.
Hinampas ko yung braso niyang nakaharang sa pinto. "Bwisit ka talaga!" I hissed.
Walang hiya talagang Angelo Stanley Montefalco yun! Pasalamat siya at bestfriend ko siya. Kung hindi baka napatay ko na siya.
Joke lang. Kahit ganun yun, mahal ko yun. Mahal na mahal.
Sino ba naman ang hindi mapapamahal sa hayop na yun? Eh saksakan ng gwapo ang loko. Mabango. Maporma. Tapos kahit malakas mangasar yun ay sobrang sweet naman niya. Sobrang protective pa sakin.
Oh diba? Mapusok lang ako. Kidding.
Nagbihis ako ng simpleng ripped jeans at white tee. Naglagay din ako ng konting powder at lip tint. Kinuha ko ang sling bag ko at ang wayfarer ko.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.