Chapter 10
(Basahin po yung Author's Note sa dulo. Salamats! :*)
"Good morning, baby sis." Bati ni Ate ng makita niya akong pababa ng hagdan.
I smiled before greeting her back. "Morning, ate. Sila Mommy?" I asked her.
"May pupuntahan daw. Ang aga nga eh." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain niya. "And by the way, ang aga mo din ngayon. Bagong buhay na ba tayo?" Aniya at tumawa.
Umupo ako sa harap niya at sumandok din ng pagkain ko. I shrugged. "Maaga lang nagising." Simpleng sabi ko at nagumpisa nang kumain.
Halos mabitawan ko yung kutsara ko ng magsalita siya. "Mamaya ko formal na ipapakilala si Angelo kanila Mommy as my boyfriend. Kaya sabi ni Daddy ay magpapa-barbeque party sila mamaya."
Nanginig ang kamay ko at halos natuyo ang lalamunan ko. Tumango lang ako at bahagyang ngumiti.
"Good morning, baby." Bati ni Angelo kay Ate pagpasok niya sa dining area. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Ate bago bumaling sakin. "Good morning, Yna." Aniya.
"Morning." Simpleng sabi ko at nagfocus sa kinakain ko. Pinilit kong wag tumingin sakanila dahil rinig na rinig ko yung sweetness nila.
Nung palabas na kami ay sandali akong napahinto. Napatingin ako kay Angelo na hawak yung bag ni ate. Biglang nagsink in sakin na hindi na niya binitbit yung bag ko kaya naiwan yun sa upuan ko.
Agad akong bumalik sa loob at kinuha yung bag ko. Pinilit kong wag pansinin yung nakabarang kung ano sa lalamunan ko. I was trying so hard not to cry.
Ang tanga mo Yna! Syempre ay may girlfriend na yung tao! Malamang hindi na niya obligasyon na bitbitin yung bag mo kasi may iba na siyang bitbit.
Paglabas ko ay nandun sila sa labas ng sasakyan ni Angelo. Nakasandal sa pinto ng shotgun seat si Ate habang nakaakbay naman si Angelo sakanya.
"Ang tagal mo, baby sis." Ani Ate
"Lets go?" Halos sabay na sabi ni Angelo.
I shook my head. "Hindi ako sasabay. You guys go ahead." Sabi ko.
Nakita ko yung pagkunot ng noo ni Angelo. "Paano ka papasok? Lagi naman kitang kasabay ah." Aniya.
Oo, lagi mo akong kasabay. Noong wala ka pang girlfriend at hindi pa ganto kakomplikado ang lahat. Noong ako lang ang nakakaupo sa shotgun seat mo.
Nako, Yna ha! Tumigil ka!
Magsasalita na sana ko ng may humintong kotse sa likod ng sasakyan ni Angelo. Pare-pareho kaming napatingin ng lumabas doon si Stephen.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.