#LLDAB
Chapter 18
Nagising ako sa matinding sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Kinapa ko yung katabing side ko at napagtanto ko na wala na doon si Stephen. Pero gaya ng nakasanayan ko ay may isang long stem rose doon.
I stood up and tied my hair in a bun. Pumunta ako ng CR para maghilamos at mag-toothbrush. Pagbaba ko ay sinalubong ako ng amoy ng pagkain. Napangiti ako dahil alam ko na agad kung nasaan si Stephen.
Lumapit ako kay Stephen na nakatalikod mula sakin at nakita kong busy siya sa pagluluto. He's shirtless kaya naman kitang kita ko yung firm na likod niya. Unti-unti akong yumakap mula sa likod niya.
"Good morning, babe." Malambing kong bati.
Humarap siya sakin at siniil ako ng halik. "Good morning, babe." Aniya pagkahiwalay ng mga labi namin.
Sinilip ko yung niluluto niya. "My favorite." Masayang sabi ko at tumalon para yakapin siya ng mahigpit. Adobo kasi yung niluluto niya. Matagal narin kaming hindi nakapag-adobo.
Buti nalang at eto yung niluto niya for brunch. Yes, brunch na. Nalate ako ng gising dahil napuyat kami ni Stephen kagabi. Almost 3 na ata ng madaling araw kami natapos magmovie marathon.
Hinayaan ko siyang magluto habang nasa gilid niya ako. Nakatitig lang ako sakanya. Ang gwapo ng boyfriend ko.
"My muscle tee really looks good on you." Aniya habang nakatitig din sakin.
Napatingin ako sa suot ko, yung muscle tee ni Stephen na nagmistulang dress sa haba at may short shorts ako sa loob na hindi na mahalata dahil sa haba ng tshirt niya. Pero aaminin ko, ever since naging kami, eto na ata ang paboritong damit ko.
Umikot ako na parang model sabay nagpose. "Really?"
Hinapit niya yung bewang ko palapit sakanya. "Yes, babe. Really." Aniya at hinalikan ulit ako.
Napahawak ako sa likod ng leeg niya dahil parang nag-jell-o ang legs ko sa mga halik niya. Ngumisi ako pagkahiwalay ng labi namin. "Magnanakaw ka talaga ng halik!" Natatawang sabi ko.
Sus Yna. Gustong gusto mo naman eh.
Kumindat lang siya sakin at nagsandok na ng pagkain namin. As usual ay siya ulit ang naglagay ng pagkain sa plato ko. This guy never fails to amuse me.
Kahit na matagal ko na siyang sinagot ay parang araw araw parin niya akong nililigawan. Its been two years since we got here in NY at isa't kalahating taon ko ng boyfriend si Stephen. Simula noong araw na yun ay naging doble ang saya na nararamdaman ko.
Im in love with him. There's no question to that. Sa mga unang buwan namin dito ay mabilis na nahulog ang loob ko sakanya. Siguro ay dahil sobrang maalaga siya, o dahil sobrang bango niya, o dahil masarap siyang magluto. Actually, I really dont know.
![](https://img.wattpad.com/cover/33957753-288-k41955.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomantikLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.