Chapter 13 - Nakikiupo.

15.3K 575 155
                                    

Chapter 13

 

Pagmulat ko ng mata ko ay agad akong napatayo. "What the?!" Halos pasigaw kong sabi. "A-Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?!" Sigaw ko sakanya.

Sandaling rumehistro yung sakit sa mukha ni Angelo bago siya ngumiti ng malungkot. "Bawal na pala ako dito?" Aniya at bumuntong hininga. "Dati kasi pwede ako dito, anytime."

Napaupo ako sa kama ko habang nakatitig sakanya. "I mean, nakakagulat lang kasi. Hindi ka naman na pumapasok dito eh." Nagaalangan na sabi ko sakanya.

"Masama bang dalawin ka? Namimiss ko lang to." Aniya at inilibot yung paningin niya. "Ilang buwan din akong di nakapasok sa kwarto mo."

"6." Wala sa sariling sabi ko.

"Ha?" Gulat na sabi niya.

I shook my head. "Wala. Sabi ko 6 months ka narin na hindi nakapasok dito. 6 months na kayo ni Ate diba?" I asked him kahit na alam ko naman yun.

Tumango lang siya at hindi nagsalita kaya naman nagsalita ako. "Si Ate?"

"May lakad silang friends eh. Tara, labas tayo." Pagyaya niya sakin.

I glared at him. "So second choice na pala ako ngayon?"

Ouch ha!

Sunod sunod na pagiling ang ginawa niya. "Its not like that." Aniya at tumayo para lumapit sakin. "Pwede bang namimiss ko lang yung bestfriend ko?" Sabi niya at hinawakan yung magkabilang pisngi ko.

Napangisi ako. "Sus. Ang sabihin mo, wala si Ate kaya naghahanap ka ng mayayaya umalis."

Sasagot pa sana siya ng magring yung phone ko sa side table ko. Parehas kaming napatingin doon. Its Stephen.

Inalis ko yung kamay ni Angelo na nakahawak sa pisngi ko bago ko sagutin yung tawag ni Stephen. "Hello?" Sabi ko at tumayo para pumunta sa terrace ng kwarto ko.

Naramdaman kong sumunod sakin si Angelo pero nakafocus ako sa kausap ko sa kabilang linya.

"Good morning, princess." Sabi niya.

Napangiti ako. Yung pagbati niya talaga tuwing umaga yung bumubuo ng araw ko. "Good morning." Sabi ko ng nakangiti.

Matagal siyang natahimik sa kabilang linya kaya nagsalita ulit ako. "Stephen?" Pagtawag ko sakanya.

Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "I miss you." Sabi niya.

Bahagya akong napatawa. "I miss you too. Magkikita naman tayo bukas, diba?" Sabi ko sakanya. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil nasa Pampanga siya para puntahan ang lola niyang may sakit.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon