#LLDAB
Chapter 35
"Good morning, my love." Bungad ni Angelo pagsagot ko ng phone ko. His voice was husky, siguro ay kakagising niya rin lang.
Nanatiling nakapikit ang mata ko dahil antok na antok pa ako. "Morning." Pabalik na bati ko sakanya.
"Bumangon ka na, love. I'll be there in an hour." Sabi niya pero hindi ko parin magawang idilat yung mata ko. Halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil hindi ako makatulog kagabi ng maayos.
Damn. Parang ang sarap dukutin ng mata ko sa sobrang sakit. "30 more minutes, please." Walang gana kong sabi at napahikab ako.
Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "Okay, Yna. Just 30 minutes." Aniya at nagpaalam na dahil maliligo na daw siya.
May lakad kasi kami ngayon. Manunuod kami ng sine. It has been three weeks since my graduation day. Patuloy ang panliligaw ni Angelo sakin. Sila Mommy naman ay umuwi rin agad ng Pilipinas after one week na pagstay nila dito.
Nanatiling nakapikit yung mata ko habang nakahiga ako pero gising na ang diwa ko. Sa tatlong linggong panliligaw niya sakin ay masasabi kong sobrang okay kami.
Matapos kong marinig kung gaano siya nasasaktan sa mga nangyari ay hindi ako nagdalawang isip na iparamdam sakanya na mahal ko siya. Hindi ko pa sinasabi sakanya yun pero alam kong nararamdaman niya.
Sa isang linggo ay magsstart na ako sa trabaho ko kaya naman halos araw-araw kaming umaalis ni Angelo dahil dapat daw naming sulitin ang natitirang masasayang araw ko. Loko talaga yun.
Bumangon ako at nagtungo sa CR para maghanda na sa lakad namin. I wore my faded ripped jeans at tinernuhan ko yun ng spaghetti strapped black cropped top. Kinuha ko yung black na flat shoes ko and Im almost done.
Nang matapos akong magayos ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas. Agad akong bumaba para salubungin si Angelo pero hindi pala siya yun.
Nakita kong lumabas ng sasakyan si Jessica at sumunod naman si Stephen. Okay? Mukhang hindi maganda ang aura nilang dalawa.
Agad na pumara si Jessica ng cab pero nang bubuksan na niya ang pinto ay pinigilan siya ni Stephen at pilit pinaharap sakanya. Nang madako ang tingin sakin ni Jessica ay bahagya lang siyang ngumiti.
She's not so fond of me, I know that. Dahil ang sabi naman nila Arisse ay maayos naman silang pakitunguan ni Jessica. I mean, not that she's treating me bad but she's distant. Maybe because I was her boyfriend's ex.
Yes, sila na. Sabi ni Stephen ay dalawang linggo na daw halos mula ng maging sila pero nadadalas ang pagtatalo nila. Katulad nalang ngayon.
"Tapos iiwan mo ako ngayon?!" Narinig kong singhal ni Stephen kay Jessica.
Napailing si Jessica at inalis ang pagkakahawak ni Stephen sa braso niya. "That's because you're being cold!" Pabalik na sabi ni Jess.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
Любовные романыLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.