Chapter 17
"Princess!" Tawag ni Stephen mula sa likod ko. Pagharap ko ay bigla akong napatili. Paano ba naman ay pinahidan niya ako ng maraming bula sa mukha. Tawa siya ng tawa at tumakbo papunta sa kabilang side ng apartment.
"Ouch ouch." Malakas na sabi ko at kinusot ang mata ko. "Shit. Ang sakit." Dagdag ko pa. Nakita ko gamit yung isang mata ko si Stephen na biglang lumapit sakin.
"Yna. Hey. Masakit?" Aniya at pinaharap sakanya yung mukha ko. Hawak hawak niya yung dalawang pisngi ko at tinitignan yung mata ko.
Evil smile. Pwede na ata akong magartista.
Ngumisi ako at inisprayan siya sa mukha ng tubig. Walang mapaglagyan yung tawa ko sa reaksyon niya. Epic!
Nagulat ako ng hapitin niya ako para kilitiin ng kilitiin. "Oh sh hahahahaha ayaw hahahahahaha ko hahaha na!" Halos maubos ang hininga ko sa ginawa niyang pagkiliti sa bewang ko.
Pagbitaw niya sakin ay sinabuyan ko uli siya ng tubig at tumakbo ako papunta sa couch. "Tama na! Ayaw ko na!" Sigaw ko sakanya habang patuloy ang pagtawa ko sakanya.
Nakisabay din siya sa pagtawa at umupo sa tabi ko. "Mas makalat na yung bahay kaysa kaninang nagumpisa tayong maglinis." Sabi niya at natawa kaming pareho.
Naglilinis kasi kami ng apartment. Isang buwan narin kami dito sa New York and so far so good. Ngayon nga ay ang linis day namin pero nauwi naman sa basaan at kulitan.
Napatingin ako sa phone kong biglang nagring. Sinagot ko yung tawag ni Miles sa Facetime. "Hi!" Masiglang bungad ko sakanya.
"Oh. Bakit ganyan itsura mo?" Natatawang sabi niya. Napatingin ako sa itsura ko, basa pa yung ibang parte ng buhok ko dahil sa dami ng bula kanina. Tapos ay pawis pawis pa yung leeg ko sa paglilinis namin.
Ngumiti lang ako mukha akong haggard pero at the same time mukha naman akong masaya. "Si Stephen kasi ang kulit." Sabi ko sakanya.
Sumingit naman bigla si Stephen sa gilid ko. Mas basa siya sakin. Bakat na yung dibdib niya sa muscle tee niya dahil sa pagbasa ko kanina.
"Hindi kaya! Siya yung nauna." Aniya at kinurot yung ilong ko. Sinapak ko siya ng bahagya sa braso at hinimas yung ilong ko. Ang sakit kaya!
Nagulat kami ng tumawa ng malakas si Miles. "Okay na kayo na sweet. Kayo na talaga! Pero ha! Ayaw ko pang maging Ninang. Masyado pa kong bata para maging Ninang." Aniya na ikinapula ko.
Ninang agad?!
Kakatapos lang namin magFacetime ni Miles nang magpaalam si Stephen. "Princess, magluluto muna ko ng lunch." Aniya at naglakad na papunta sa kitchen.
"Stephen!" Tawag ko. "Maligo ka muna at magpalit ng damit! Baka magkasakit ka!" Sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.