#LLDAB
Chapter 37
"Yna." Napaangat ako ng tingin ng tawagin ako ni Arisse. Her eyes were looking right through me.
I looked at her blankly. "Hmm?" I hummed.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya automatic na nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. "Ilang araw ka ng ganto. You have to eat, Yna."
Tumango ako at bumuntong hininga bago sumubo ng pasta na niluto niya. Hindi ko napansin na hindi na naman pala ako nakakakain dahil sa pagkakatulala ko.
Its been three days since that incident happened. Nagpasya akong dito muna magstay sa apartment nila Arisse for the mean time. Ayoko munang makausap si Angelo. Kahit makita man lang siya ay ayaw ko rin.
Seeing him is that much of a torture to me now. Tuwing makikita ko siya, tuwing bubukas yung bibig niya, ay wala akong ibang maalala kung hindi yung nangyari. It was too painful.
"Ayaw mo ba talaga siyang makita?" Sabi ni Chie sa gilid ko. Hindi ako nagsalita. Pero alam kong naintindihan nila ang sagot ko.
She sighed. "Sabi ni Stephen, hindi yun umaalis sa tapat ng apartment mo mula nung umalis ka doon." Aniya.
Nagumpisang maginit ang mata ko pero binalewala ko yun. Napapagod na akong umiyak. Wala na atang ginawa tong pesteng mata ko kundi maglabas ng luha mula pa noong araw na yun.
"You should talk to him, Yna." Malambing na sabi ni Arisse.
Tumingin ako sa kanilang dalawa at umiling. I cant. Not now. Hopefully, soon but not just yet.
Tatayo na sana ako ng magring ang phone ni Arisse at nakita kong si Stephen ang tumatawag. Agad niya namang sinagot yun. "Hello?" Sabi ni Arisse.
Tumayo na ako at nagumpisang maglakad paakyat sa guest room nila.
"Yna? Why?....WHAT?!" Napahinto ako ng marinig ko ang sigaw ni Arisse. "Okay. Okay. Sige." Sabi niya.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Kita ko ang luhang nangingilid sa mata niya. What is it, this time?
"S-Si Angelo." She started at agad na kumalabog ang dibdib ko sa pagbanggit palang ng pangalan niya.
Tumulo ang luha niya. "Nakita siya ni Stephen na nakabulagta sa labas ng apartment mo. Nasa NYH na daw sila Stephen at wala paring malay si Angelo."
Ilang minutong nagprocess sakin yung sinabi ni Arisse.
Agad akong tumakbo paakyat para kumuha ng cardigan at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko at hindi ko na magawang pansinin sila Arisse at Chie na tinatawag ang pangalan ko.
Halos palipadin ko ang sasakyan para makarating doon sa ospital kung nasaan sila. Pagpasok ko ay agad kong nakita si Stephen.

BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.