#LLDAB
Special Chapter I
"Tara na kasi! Gusto kong makita yung kambal!" Pilit kong hinihila ang nakahigang si Angelo. "Ang bigat! Leche!" Inis na sabi ko at sumalampak sa pagkakaupo sa kama.
Naramdaman kong niyakap niya ako sa bewang pero nanatili siyang nakadapa sa kama. "Mamaya na kasi love. Ang aga pa oh." Namamaos na sabi niya.
Napatingin ako sa orasan at sumimangot. "Maaga? 11 na po!" Pagmamaktol ko dahil ayaw parin niya bumangon.
Hindi siya sumagot at narinig ko ang paghilik niya. Nakakainis! Tanghali na at ayaw parin gumising. Gusto ko na puntahan ang mga pamangkin ko!
Noong isang linggo kasi ay nanganak na si Ate Yza. Pagbalik namin galing sa honeymoon ay sinalubong kami ng balitang tatlong buwan ng buntis nga si Ate. Hindi niya lang daw sinabi agad dahil ayaw niyang maagaw ang atensyon sa kasal ko.
Its been half a year since kinasal kami. Maayos na ang pamumuhay namin dito sa Pilipinas. Yes, dito kami kinasal at dito narin kami nagpasyang manirahan.
The thing is, nagulat ako ng dalhin ako ni Angelo sa isang fully furnished ma bahay pagbalik namin dito sa Pilipinas after ng honeymoon namin sa Paris. Pero mas nagulat ako ng makita kong ito yung dream house na dinesign ko noong college.
Kinuha niya pala yun nung minsang nasa apartment siya kaya nawala ito bigla at pinatayo niya para sa aming dalawa. If he couldnt get any sweeter.
Umiling ako at tumayo na. Im getting impatient. Gusto ko na talaga pumunta sa bahay namin. Doon padin nakatira si Ate dahil hindi pa naman sila kasal ni Cristof. Ayaw kasi ni Ate na ikasal sila ng malaki ang tyan niya kaya sa susunod na buwan nalang daw ang kasal.
"Bahala ka dyan Montefalco! Pupunta nalang ako don magisa." Sabi ko at kinuha ko ang bag ko.
Nagulat ako ng mabilis pa sa alas-kwatro siyang tumayo. "Eto na nga po. Gising na nga. Wait ka lang love, maliligo lang ako." Aniya at hinalikan ako ng mabilis bago pumasok sa banyo.
Umiling nalang ako at bumaba na para maghanda ng breakfast ni Angelo. Paniguradong gutom na naman ang isang yun kaya nagprito ako ng hotdog at bacon. Kumuha din ako ng kanin na sinaing ko kanina nung nagising ako.
Pagbaba niya ay saktong kakalapag ko lang ng mga pagkain sa lamesa. Hindi kami kumukuha ng kasambahay dahil kaming dalawa lang naman dito.
Lumapit siya sakin at hinapit ang bewang ko para mayakap ako mula sa likod. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. "Kumain ka na, love?" Malambing na sabi niya sakin.
Tumango ako. "Kumain na ako kanina habang tulog ka. Ginutom ako eh." Sabi ko naman.
Napatili ako ng umupo siya sa upuan at bigla niya akong hinila para mapakandong ako sakanya. "Angelo naman!" I hissed.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.