Chapter 21 - Nakikipaghiwalay.

15.5K 503 96
                                        

#LLDAB

Chapter 21

 

(Inuulit ko po. Basahin po ang Author's Note sa dulo. Haha.)

 

Pagpasok ko ng kwarto ko ay agad kong nakita si Stephen na nakahiga sa kama pero mukhang inaantay ako dahil gising pa siya.

Agad niya akong sinalubong at niyakap ng mahigpit. "I missed you." Aniya at akmang hahalikan ako sa labi ng iiwas ko yung mukha ko kaya sa pisngi dumapo yung halik niya.

"I missed you too. Mag-CR lang ako, naiihi ako." Sabi ko at pumasok na ng CR. Agad akong nagtoothbrush, marahas kong pinunasan yung bibig ko ng face towel.

Hindi ko kayang halikan si Stephen sa labi nang may bakas pa ni Angelo dito. Mariin akong napapikit ng maisip ko yun pero pinilig ko yung ulo ko at nagpasyang kausapin si Stephen.

Paglabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa kama. Tinignan niya ako na para bang may gusto siyang sabihin pero nanatiling nakatikom ang bibig niya. Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang lap ko. "Dito ka." Sabi ko sakanya at pinahiga ang ulo niya sa lap ko.

Sinuklay ko yung mga daliri ko sa buhok niya. Nilunok ko yung nakabara sa lalamunan ko at pilit na nagsalita. "Angelo - Angelo kissed me."

Hindi ko kayang magsinungaling sakanya kaya sinabi ko ang nangyari. He doesnt deserve to be fed up with lies. So I wont.

Nanatili yung tingin ko sakanya kaya naman kitang kita ko ang mariing pagpikit niya. Huminga siya ng malalim. "Are you breaking up with me?" Rinig na rinig ko yung sakit sa boses niya. Nagbukas siya ng mata at tinignan ako. "Nakikipaghiwalay ka na ba sakin?"

Sunod sunod ang pagbagsak ng luha ko kasabay ng pagiling ko. "What?! No!" Nabasag ang boses ko.

Umupo siya at humarap sakin. Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at pilit pinupunasan yung walang tigil kong luha pero parang gripong ayaw tumigil ng luha ko. "Hush babe."

"Hindi ako nakikipaghiwalay." Umiiyak na sabi ko at yumakap sakanya. "Im so sorry. Im sorry babe." Paulit ulit kong sabi at itinago ang mukha ko sa dibdib niya.

Pakiramdam ko ay malaki ang nagawa kong kasalanan dahil lang hinalikan ako ni Angelo. Mali. Maling mali.

Nanlaki ang mata ko sa gulat habang nakapikit naman ng mariin si Angelo. Tinulak ko siya ng marahas at mabilis na dumapo yung palad ko sa pisngi niya. Umalingawngaw ang tunog ng pagsampal ko sakanya sa buong sasakyan.

 

Kitang kita ko yung pagkabigo sa mukha niya pero isinantabi ko yun. Umayos ako ng upo. "Iuwi mo na ako." Malamig na sabi ko.

 

"Yna." Paos ang boses niya.

 

Sinubukan niyang hawakan yung kamay ko pero mabilis kong tinabig ang kamay niya. "Iuwi mo na ako, Angelo. I dont have time for your shits." Mas malamig na tugon ko sakanya.

Love, Lies, Deception and BetrayalMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon