#LLDAB
Chapter 25
"Yna." Narinig ko ang mahinang tawag ni Daddy sakin. Naaninag ko sa likod ni Stephen sila Mommy, Daddy, Ate at si Angelo. I can see Ate's bloodshot eyes from here. Marahan kong ipinikit ang mata ko.
Im too hurt to listen to them kaya ayoko silang makausap. Sarado ang isip ko ngayon sa lahat ng nangyari.
"B-Babe." Mahinang sabi ko. I looked up to him at alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin. Gusto kong umalis silang lahat. Silang lahat maliban kay Stephen.
Stephen's like my own personal breather now. He's like my breathe of fresh air. My safe haven. My home. Yung taong hinding hindi ako sasaktan. Yung taong mamahalin ako. Yung taong nandyan pag kailangan ko. At higit sa lahat, yung taong naiintindihan ako.
Nilingon niya si Mommy. "Tita. Gusto daw po sanang mapagisa ni Yna."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi kumawala ang hikbi ko. Ang sakit. Yung pakiramdam na makita ko lang si Daddy at si Ate ay para na akong pinapatay sa loob loob ko. Sobrang sakit ng ginawa nila sakin.
Akala ko wala ng mas isasakit pa yung naging confrontation namin ni Ate. Meron pa pala. May isasakit pa pala.
"Ikaw ng bahala kay Yna." Narinig kong sabi ni Mommy bago ko narinig ang pagsarado ng pinto. Pagkasaradong pagkasarado nun ay nagumpisa na namang tumulo ang mga luha ko.
Inalalayan ako ni Stephen pahiga. Nakasandal ako sakanya at nakapulupot yung braso niya sakin. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nagkkwento ako sakanya.
"Si Ate." I started. "She hates me." Ramdam na ramdam ko yung kirot sa puso ko habang nagkkwento. "She used Angelo para masaktan ako. She's heartless." Nabasag ang boses ko.
Yes, she's heartless. Anong klaseng kapatid ang gugustuhing saktan ang kapatid niya?!
Hinalikan ni Stephen ang tuktok ng ulo ko at hinayaan lang akong magkwento. He really knows me. Alam niyang ang kailangan ko ngayon ay yung taong handang makinig lang sa lahat ng sama ng loob ko.
"S-Sinampal ako ni Daddy. He thought ni-nilalandi ko si Angelo kaya nagbreak sila ni A-Ate." Napahagulgol ako sa dibdib niya ng maalala ko yung galit na ekspresyon ni Daddy sakin.
Hinaplos niya ang pisngi ko. Bahagya akong napadaing dahil masakit parin yun. "Fuck. Im sorry." Aniya.
Tinignan ko siya sa mata. "P-Para saan?"
Wala naman siyang kasalanan kaya bakit siya nagsosorry?
"Wala ako noong sinaktan ka nila. I shouldve been here. Dapat ay nandito ako para hindi ka nila nasaktan. Dapat hindi nalang ako umalis." Aniya at patuloy ang paghaplos sa mukha ko.
Sinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya. "W-Wala kang kasalanan. Im just happy you're here." Napapaos na sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.