#LLDAB
Epilogue
(PS. Wag kayong magsskip dahil nandito na ang POV na pinakahihintay niyo. You'll have your much awaited answers.)
ANGELO
"Ayos na ba yung lugar?" Tanong ko sa kausap ko sa cellphone.
"Opo, sir. Naayos na po namin. Sabi rin po ng driver na siya na daw po ang susundo mamaya kay Mam Yza, paglabas neto galing sa huling klase niya." Ani ng pinagaayos ko ng surprise ko ngayong gabi.
Nakita kong paparating na si Yna at si Miles kaya medyo hininaan ko ang boses ko. "Osige. Papunta narin ako dyan para macheck ko kung may kulang pa." Sabi ko at binaba na ang tawag.
Napansin kong nagmamadali si Miles para kuhanin ang gamit niya, siguro ay nandyan na ang sundo niya. Hindi ko na nagawang magpaalam dahil sa kakamadali niya.
"Angelo." Narinig kong sabi ni Yna.
Nakangiti pa ako pagharap ko sakanya pero agad din akong napamura ng maisip kong hindi ko siya maihahatid ngayon pauwi. "Oh shit. Sorry, hindi pala kita maihahatid pauwi ngayon. May pupuntahan kasi ako."
Gusto ko sanang sabihin na liligawan ko na si Yza ngayon, pero parag umurong ang dila ko. Nahihiya ako dahil malapit silang dalawa at isa pa ay hindi ako vocal sa nararamdaman ko.
"Okay lang. P-pero pwede bang makausap ka saglit? May sasabihin lang ako." Medyo alangan niyang sabi kaya lumapit ako sakanya at hinawakan ko yung pisngi niya. I know something's off. I know her too well.
"You look tensed. May problema ba?" I asked her. Bahagya siyang yumuko at pinaglaruan ang daliri niya. Okay? May problema talaga ang isang to. Magsasalita na sana ako pero hindi ko na naituloy ng magsalita siya.
"I love you." It was almost a whisper pero rinig na rinig ko yun.
Nakahinga ako ng maluwag at bahagyang tumawa. "I love you too, bestfriend. Ano ka ba. Akala ko naman kung ano yung sasabihin mo." Sabi ko at niyakap ko siya.
Syempre ay mahal ko rin siya. She's my bestfriend. She's like a sister to me. Parang kambal na nga kami kung tutuusin. Pero bihira siyang maging sweet, ano kayang nakain niya at nagiging sweet siya ngayon?
Nang mapansin ko ang oras ay agad din akong nagpaalam sakanya. Blanko ang ekspresyon niya pero wala na akong panahon magtanong ngayon dahil malalate na ako. Bukas ko nalang siya tatanungin.
Nang pumasok si Yza sa restaurant ay nakita kong literal na nalaglag ang panga niya. Lumapit ako sakanya at inabot sakanya ang isang long stem rose. "Hi." Mahinang sabi ko.
Ngumiti siya pabalik at halos manlambot ang tuhod ko. Ang ganda talaga niya. No wonder nakuha niya ang atensyon at puso ko all these years. "Hello. Ano to?" Natatawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.