#LLDAB
Chapter 24
Pagsarado ko ng pinto ay akong napasandal doon para sa suporta. Napaupo ako sa likod ng pinto ko. Niyakap ko yung tuhod ko at doon ibinaon ang mukha kong basang basa ng luha. I let the tears stream down my face.
"TANGINA!" Halos mapaigtad ako ng marinig ko yung malutong na mura ni Angelo mula sa labas ng kwarto ko.
Alam kong narinig niya. Base sa reaksyon na nakita ko kanina ay mukhang narinig niya ang pinagusapan namin ni Ate.
Ate. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tawagin nun pagkatapos ng ginawa niya sakin. I felt betrayed by my own sister. Paano niya nagawang makipagusap sakin na para bang sayang saya siya pero sa likod ko ay sinasaksak niya pala ako.
Mas naiyak ako ng maalala kong alam niya pala na may nararamdaman ako para kay Angelo noon. Anong karapatan niyang paglaruan kaming dalawa?
Im sure she was enjoying the view the whole time na nasasaktan ako dahil naging sila noon. Siguro ay ibang saya ang naidulot sakanya ng pagkasira ng pagkakaibigan namin ni Angelo. Fucking shit. Kaya pala ganun nalang kabilis naging sila.
Siguro ay nagpaparty siya sa loob loob niya tuwing makikita niya na malungkot ako noon.
I loved her. I truly loved her. Ni-minsan hindi ko naisip na saktan siya. Ni minsan hindi ko ginustong umiyak siya. Pero siya, siya mismo ang nanakit sakin.
I would even take a bullet for her. Too bad she's the one who will pull the trigger.
"MAHAL? MAHAL BANG MATATAWAG YUNG PANGGAGAMIT MO SAKIN PARA SAKTAN ANG SARILI KONG BESTFRIEND, NA PUTANGINA KAPATID MO PA!" Narinig ko na naman ang sigaw ni Angelo. "NILOKO MO AKO! PINANIWALA MO AKONG MAHAL MO KO KAYA MO AKO SINAGOT! BULLSHT!"
Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ni Ate dahil mahina lang yun pero yung sigaw ni Angelo ay umaalingawngaw sa buong kwarto ko kahit pa nasa labas naman siya.
Tumayo ako kahit na nanghihina na yung tuhod ko at humiga sa kama. Tinakpan ko yung mukha ko ng unan at doon sinigaw lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko para sa kapatid ko.
Sinubukan kong kapain ang cellphone ko sa bulsa ko para tawagan si Stephen. I need him. I badly need him right now.
"Hello babe?" Malambing ang boses niya sa kabilang linya kaya mas lalo akong napahagulgol. "Are you crying? Yna. Babe hey. Umiiyak ka ba? Anong nangyari? Nasan ka?" Sunod sunod na tanong niya.
"B-Babe." Napapaos na sabi ko dahil sa kakaiyak. "I-I need you. Come home. P-Please." Sabi ko.
Narinig ko yung malutong niyang mura bago ako sagutin. "I'll be there. Okay? Uuwi na ako." Aniya. Akala ko ay ibababa na niya ang tawag pero may pahabol pa siyang sinabi. "I love you, alright? Stop crying. Pupuntahan na kita." Aniya at narinig ko ng namatay yung tawag.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.