Chapter 22 - Naguguluhan.

15.9K 476 95
                                    

#LLDAB

Chapter 22

 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo narin mula nung gabing mangyari yung tuluyang tumapos ng pagkakaibigan namin ni Angelo.

I can say na mas naging matatag kami ni Stephen dahil sa nangyari. Mas tumibay yung tiwala at pagmamahal namin sa isa't isa dahil hindi ako nagtago ng bagay bagay sakanya.

Wala naman kasing dahilan para itago ko yung nangyari samin ni Angelo kay Stephen. Wala yung halik para sa akin kaya hindi ko kailangan itago. Kung itinago ko yun ay para narin akong nagloko. And I would never do that. I would never cheat.

Kung alam ko lang na ganun ang kakalabasan ng pilit kong pagayos sa friendship namin ay sana hindi nalang ako nakipagusap. Sana hinayaan ko nalang kung ano man ang meron kami ni Angelo. Edi sana hindi lumala ng ganto.

"Babe. Akin na." Ani Stephen sa tabi ko at binuhat ang bag na naglalaman ng gamit naming dalawa.

Ngayon ay pupunta kami sa Subic para magbakasyon. Hanggang bukas lang kami doon kasama sila Mommy.

Ngumiti ako at pinagsaklop ang mga daliri namin bago lumabas ng kwarto. Agad ko namang naaninag si Angelo at si Ate na kakalabas din lang ng kwarto ni Ate.

"Hi baby sis!" Masayang sabi niya at humawak sa braso ni Angelo.

Ramdam ko yung mabibigat na titig ni Angelo sakin pero isinawalang bahala ko yun. Wala akong pakialam kahit patayin niya ako sa mga tingin niya. Im past caring.

Napatiim bagang si Stephen. Of course, he's mad. He has all the rights to be mad dahil hinalikan lang naman ng lalaking nasa harap niya ang girlfriend niya.

I squeezed his hand bago sumagot kay Ate. "Hi ate. Tara na. Excited na ako." Sabi ko at bahagyang tumawa.

Hinila ko si Stephen pababa at ramdam ko yung bilis ng pintig ng puso niya pagbaba. "Hanggang ngayon gusto ko parin siyang sapakin." Bulong niya sakin.

Hinawakan ko yung pisngi niya at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Chill ka lang, babe. Im yours, alright?" I murmured.

He nodded and kissed me fully. "Yes, mine." Aniya at pinadausdos ang kamay niya sa bewang ko.

Habang nasa byahe kami ay nakaramdam ako ng antok kaya naman ihinilig ko yung katawan ko kay Stephen. Nasa unang row kami ng van ni Stephen, sila Ate at Angelo naman ay sa likod namin at sa harap ay sila Mommy.

Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko pagtapos niya akong yakapin para hindi ako mahirapan sa posisyon namin. I murmured thanks bago ko ipinikit ang mata ko.

Nang maramdaman kong huminto ang sasakyan ay iminulat ko ang mata ko. "Stop over daw. You wanna grab something?" Bulong ni Stephen sakin.

I nodded. "Gusto ko ng juice. Pero mag-CR muna ako." Sabi ko.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon