#LLDAB
Chapter 31
Panay ang bagsak ng luha ko habang nakatingin kay Angelo na nakaluhod sa harap ko. "Sigurado ka na ba dyan?" Medyo natatawa kong sabi. Siguro ay mukha akong baliw habang tumatawa habang umiiyak.
Hindi pala siguro, talagang mukha na akong baliw dito.
Lumapad ang ngiti niya. "I've waited three long years for this Yna. Of course, Im sure about this." Aniya.
So totoong mahal niya ako noong sinundan niya ako dito? Three years na mula nang magkausap kami noon. So its true then. Hindi yun ego tripping. Totoong mahal niya na ako noon.
"Makakatanggi pa ba ako?" Masaya kong sabi at tumango Tumayo siya at inakap ako ng mahigpit.
Syempre ay hindi na ako makakatangi. Effort kung effort siya. At isa pa ay sobrang napasaya niya ako ngayong gabi.
Seeing all these pictures. Pinaalala niya sakin kung bakit ako nainlove sakanya noon. Yung pagiging protective niya sakin, yung pagiging sweet at playful niya at yung mga simpleng bagay na ginagawa niya para mapasaya ako.
He kissed the side of my head. "Damn. Im inlove with you." Bulong niya sakin.
Napangiti nalang ako. Naniniwala na akong lahat ng bagay ay may tamang oras dahil pakiramdam ko eto na ang perfect timing para samin.
Dahil yung akala kong nawala, ay bumabalik.
Pwede pala yun noh, kahit na totoong nawala yung nararamdaman ko para sakanya noong naging kami ni Stephen ay kusa naman yung bumabalik ngayon.
Ngayon na tama na ang lahat. Ngayon na pareho na kaming walang sabit. Ngayon na nagmature na kaming dalawa. Ngayon na tama na kami para sa isa't isa.
Buong oras ata akong nakangiti habang kumakain kami nila Mommy. Katabi ko si Angelo habang nasa isang gilid ko naman si Ate. She was on the phone with Tof, siguro ay mga isang oras na. Talk about being clingy.
Nagulat ako ng abutin ni Angelo yung gilid ng labi ko para punasan yun. I flushed. May sauce pala. Nakakahiya!
"Nga pala, bakit hindi 'Will you be my girlfriend?' yung tanong mo?" Tanong ko na agad ko ring pinagsisihan. Bakit ko ba tinanong yun?! Halatang atat naman ako. My god, Yna!
Ngumisi siya at humilig sakin. Halos maamoy ko na yung hininga niya sa sobrang lapit niya. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Kasi gusto muna kitang ligawan. Unless, gusto mo na akong sagutin agad."
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Fck it! Kailan pa ko naging ganto sa harap ni Angelo?! Right, ngayon lang.
Nakakainis! Para akong sixteen years old na kinikilig sa crush niya! Im 21 for Pete's sake! Hindi na dapat ako nagbblush na parang timang lalo pa sa harap ni Angelo.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.