Special Chapter II

23.6K 634 139
                                        

#LLDAB

Special Chapter II

 

"Love, sorry di ko nasagot yung tawag mo. Nasa meeting kami kanina ni Dad at naiwan ko yung phone ko sa office ko." Sabi ni Angelo sa kabilang linya.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot kay Manong Driver tsaka bumaba ng taxi. Medyo nahihirapan na ako sa pagddrive dahil 4 months na ang baby namin at lumalaki na ang tyan ko.

"Its okay. Where are you?" I asked him. Pumunta na ako sa office niya dahil nagalala ako. Naka-100 na tawag na ata ako kanina pero wala siyang sinagot ni isa sa mga yun at wala rin akong nakuhang text mula sakanya.

Tinatanguan ako at binabati ng mga empleyado na nakakakita sakin habang naglalakad ako papunta sa elevator.

"Nasa office, love. Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng vitamins niyo ni baby?" Sunod sunod na tanong niya.

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "Hindi pa. Maya-maya na. I have to go. I love you." Sabi ko at binaba ang tawag pagpasok ko ng elevator.

Pagdating ko sa floor ni Angelo ay agad kong nakita ang isang babae na sa tingin ko ay ang bagong secretary ni Angelo. Nasa harap siya ng pinto ng office ni Angelo at inaayos ang suot na damit para mapaikli pa ito lalo.

Napataas ang kilay ko ng buksan niya ang pinto at dere-deretsong pumasok sa loob. Lumapit ako sa pinto na nakabukas parin. "Yes, sir?" Maliit ang boses ng babae at halatang nagpapacute ito kay Angelo.

Nakita ko pa ang bahagyang pagyuko niya tanda na nagpapakita siya ng cleavage. Mabuti nalang at nakayuko si Angelo dahil busy ito sa pagaayos ng lamesa niya.

Hindi talaga mawala-wala ang mga haliparot sa mundong to. Nakakainis!

"Cancel all my meetings today." Ani Angelo at tumayo sa upuan niya nang magpasya akong pumasok na.

"Hi love." Sabi ko kay Angelo at hinalikan siya ng mabilis. Pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko para siilin ulit ako ng halik.

Paghiwalay namin ay napalingon ako sa secretary ni Angelo na literal na nakanganga. Bitch!

"You're the new secretary?" Mataray kong tanong at nagtaas oa ng kilay. Nanatili ang kamay ni Angelo sa bewang ko pero hindi ko siya nilingon.

"O-Opo." Aniya.

"Im Yna Montefalco. Your boss' wife." Sabi ko.

Napatungo siya ng bahagya. "H-Hi Mam." Nauutal na sabi niya.

"Nakikita mo tong tyan ko?" Tinuro ko ang tyan kong may baby bump na. "Buntis ako. At kung hindi mo titigilan yang pagpapapansin mo sa asawa ko, dodoblehin namin to. Sa harap mo mismo."

Lalong napayuko yung secretary niya at naramdaman ko ang hininga ni Angelo sa tenga ko. "Stop teasing me, love. What's happening?" Bulong niya sakin.

Love, Lies, Deception and BetrayalMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon