Chapter 6
"Are you okay?" Tanong ni Angelo nang nagliligpit kami ng gamit.
Tumango ako at ngumiti ng bahagya. Pinagpatuloy ko yung pagpasok ng mga libro ko sa bag ko. "Oo naman. Bakit naman hindi?"
Seryoso siyang tumingin sakin para bang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo. "Isang linggo ka nang laging nagsspace out, Yna. I know you. Anong problema?"
I shrugged. "Wala. Hindi naman ako nagsspace out ah."
Tumingin sakin si Miles at tinaasan ako ng kilay.
What?! Ganun ba ako kahalata? Parang pakiramdam ko ay hindi naman. Normal naman ako ah.
"Anong hindi nagsspace out? Eh ngayon lang, kita mo, bakit mo nilalagay sa bag mo yung mga libro ko. Its so obvious na lutang ka. What's up?" Sabi niya nang nakasimangot.
Automatic na nadako yung tingin ko sa kamay kong may hawak na libro. Shit. Mura ko sa sarili ko. Libro na nga niya yung hawak ko.
"Uh. Hindi ko lang napansin." Sabi ko at nilapag sa table yung libro niya.
"Yna, samahan mo ko mag-CR." Sabi ni Miles at hinatak na ko palabas ng room.
Habang naglalakad kami ay talak siya ng talak. "Hindi naman? What the heck? Sobrang obvious mo kaya na may iniisip ka. You've been spacing out a lot these past few days. Like a lot."
I sighed. "Ganun ba talaga ako kahalata?" I asked her.
Umiling siya at sumimangot. "Ay hindi, girl. Hindi ka halata. Imagine, umupo ka lang naman sa lamesa ng iba nung lunch break sa sobrang lutang mo. Kung hindi ka pa namin tinawag ay hindi mo mapapansin na hindi pala kami yung kasama mo." Aniya at pumasok sa isang cubicle.
Yeah, I remember. Last Friday ay naupo ako sa table ng iba. Akala ko kasi sila yung nakaupo doon.
"Okay, fine. I was spacing out. A lot. Eh kasi naman, hindi ako mapakali kung paano ako aamin." Sabi ko sakanya.
"Isa pa yan, sabi mo few days. Its been one week, Yna." Sermon niya.
Napakakulit talaga ng babaeng to! Ano bang akala niya sa gagawin ko, parang iihi lang tapos tapos na?! My god! This is even harder than a math exam.
Napasandal ako sa pinto ng CR. "Hindi naman kasi madali to diba."
"Angelo, I love you. Done. Ano ba namang mahirap don?" Sabi niya at lumabas na siya ng cubicle na nakasimangot.
Hinampas ko siya sa braso. "Hindi naman yun ganun kadali."
Hinarap niya ko ng nakacross arms. "Look, just say whats on your heart. Hindi mo na kailangan ng mala-pang MMK na speech."
"Tingin mo okay lang kung ngayon na ako aamin?" Tanong ko sakanya matapos ang ilang minuto kong pagiisip ng tamang gawin.
She nodded and hugged me. "Yes yes! You go, girl!" Aniya.
Pagbalik namin ay nakita kong may kausap sa cellphone si Angelo. Kinuha ni Miles yung mga gamit niya at nagpaalam na agad. Huminga ako ng malalim at tinawag si Angelo.
"Angelo." Sabi ko pagbaba niya ng tawag.
All smiles siyang tumingin sakin. "Oh shit." He muttered. "Sorry, hindi pala kita maihahatid pauwi ngayon. May pupuntahan kasi ako." Sabi niya.
Napaisip ako kung saan siya pupunta at bakit hindi niya ko maihahatid. Dahil ito ang unang beses na mangyayari yon.
I shrugged my feeling off and nodded. "Okay lang. P-pero pwede bang makausap ka saglit? May sasabihin lang ako."
Lumapit siya sakin at hinawakan yung pisngi ko. "You look tensed. May problema ba?"
I looked down and played with my fingers. This is it, Yna. Kaya mo yan! Wag kang maduduwag. Keep your shits together, alright?
"I love you." Mahinang sabi ko pero sinigurado kong enough yun para marinig niya.
Napatingin ako sakanya ng bahagya siyang tumawa. "I love you too, bestfriend. Ano ka ba. Akala ko naman kung ano yung sasabihin mo." Sabi niya at niyakap ako.
I literally felt my heart sank down my stomach. Damn. Damn bestfriend. Damn fucking bestfriend.
"Bakit ka biglang naging sweet? Anong nakain mo?" Aniya at kiniliti pa ako sa kili-kili. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng nararamdaman ko kaya hindi ko naramdaman yung kiliti.
Pakiramdam ko ay namanhid ako. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko.
Buti nalang at niyakap niya ko para hindi niya makita yung luhang tumulo sa mata ko. Pinunasan ko kaagad yun dahil naramdaman kong hihiwalay na siya sa yakap.
"Anyways, I really have to go." Sabi niya. Kinuha niya yung gamit niya at hinalikan ako sa noo. "Ingat pauwi."
I was watching him as he walks away from me. It was the most painful view I've ever seen in my entire life. Nilunok ko lahat ng pwedeng lunukin, pride at dignidad para umamin. And this is what I get.
Bumuhos lahat ng luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.
Ang tanga mo kasi, Yna! Alam mo naman na bestfriends lang! Hanggang bestfriend ka lang. Umasa ka talagang mahal ka rin niya na higit pa sa pagiging bestfriend?! You're so fucking stupid! God, you're delusional.
Kahit panay ang tulo ng luha ko at nanlalabo na ang paningin ko ay inayos ko parin ang bag ko. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko para pahintuin ako.
"S-Stephen." Damn it, Yna! Stop stuttering, will you?!
He immediately wrapped his arms around me. Hinagod niya yung likod ko habang iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomantikLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.
