Chapter 26 - Nanaginip.

16.1K 525 100
                                    

#LLDAB

Chapter 26

 

Ang unang ginawa ko pagkapasok na pagkapasok palang ng apartment namin ni Stephen ay humiga sa couch. My head's pounding like crazy dahil sa jetlag.

"Are you hungry?" Rinig kong sabi ni Stephen. Nakababa na pala siya. Inakyat niya kasi yung mga maleta namin.

I groaned and nodded. "Nagugutom na ko pero mamaya na ko kakain. I wanna rest." Sabi ko nang hindi dinidilat ang mata. I felt his soft lips on my forehead.

"Sleep tight." Last thing I heard before I drift off to dreamland.

"Daddy! Look oh! Drawing ko po Superman!" Sabi ko at pinakita yung Superman na dinrawing namin kanina sa art class namin.

 

Ang sabi kasi ni teacher ay idrawing daw ang Daddy namin. Kaya si Superman dinrawing ko. Siya kasi ang superman namin nila Mommy at Ate.

 

Binuhat niya ako at kinuha yung drawing mula sa kamay ko. "Wow. Ang galing naman ng baby Yna ko." Aniya at hinalikan ako sa pisngi.

 

Pumalakpak ako nang biglang nandilim ang lahat. Wala akong makita kahit ano. It was like I was in a dark room.

 

"Daddy! Daddy!" I kept on calling for my Dad pero wala akong maaninag na kahit ano. Nagumpisang maglaglagan ang mga luha ko sa takot.

 

"Daddy!"

Nagising ako na tumatagtak ang pawis ko. Panaginip. Panaginip nga ba? O bangungot? I dont know how to call it, dream or a nightmare. Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.

I miss my Dad. Gusto ko siyang kausapin pero masama parin ang loob ko sakanya. Masamang masama. I shook my head. Dapat ay wag ko na muna yung isipin.

I was catching my breath when I noticed na wala na pala ako aa couch. Nasa kama ko na ako. Binuhat ako ni Stephen paakyat? I flushed at that thought. My sweet Stephen.

Nadako ang paningin ko sa sticky note na nasa lampshade ko.

Babe, lumabas lang ako. I'll just buy something. I'll be back. I love you. –Stephen

That's what written in the note. Kinuha ko yun at nilagay sa drawer sa side table ko kasama ng mga daan-daan na notes din niya dati.

Stephen and his sticky notes.

Bumangon ako at nagpasyang maligo dahil ramdam ko ang lagkit ng buong mukha ko dahil sa pinaghalong pawis at luha. Habang naliligo ako ay paulit ulit na nagfflash sakin yung mga titig ni Daddy sakin nung gabing yun. Yung galit na tingin ni Ate.

Hinayaan kong bumuhos yung luha ko kasabay ng tubig na nagmumula sa shower. Ang sakit pala pag mismong pamilya mo pa ang makasamaan mo ng loob. Na yung inaasahan mong kakampi mo ay ang siyang kalaban mo.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon