Chapter 2 – I cant risk.
"You're My Boss."
"Fast and Furious 7."
"You're My Boss nga!"
"Fast and Furious 7 na kasi."
"You're My Boss na nga lang kasi!"
"Fast and Furious 7. Period."
Sumimangot ako. "Edi Fast and Furious 7." Sabi ko at naglakad papunta sa bilihan ng popcorn.
Leche. Sabi ko nga Fast and Furious 7. Kainis.
"Two large popcorns. And two pepsi." Sabi ko sa nagtitinda. Pagabot niya sakin ng mga order ko ay sakto namang dating ni Angelo.
He smiled and I rolled my eyes heavenwards.
Inabot ko sakanya yung dalawang popcorn at nagmartsa na ko papunta sa sinehan kung saan showing yung FF7. Pero nagulat ako ng maramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko.
"Where are you going princess?" Aniya.
I eyed him. "Sa Fast and Furious 7 mo." Masungit na sabi ko. Pinagdiinan ko talaga yung 'mo'.
He laughed before holding my hand. "Kailan ba ko nanalo sayo? Doon tayo sa You're My Boss."
Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "Thanky bestfriend!" Masayang sabi ko at hinila siya papunta sa pila ng You're My Boss.
Sabi ko na nga ba at hindi niya ko matitiis once na gawin ko ang very famous walk-out-drama ko.
Lagi kaming ganto tuwing manunuod ng movie. Ayaw niya kasi ng local rom-com movies pero dahil yun ang gusto ko ay yun ang pinapanuod namin.
I always win. Only because he always lets me win.
"Kailan kaya ako mananalo sayo?" Natatawang sabi niya.
Ngumuso ako at nagisip. "Hmm. Pag hindi na ako yung bestfriend mo." Sabi ko.
"Edi hindi na ako mananalo sayo forever? Kasi diba bestfriend kita forever?" Aniya.
Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko pero binalewala ko lang yun.
Yes, Yna. You will always be his bestfriend. Just his bestfriend.
Ngumisi ako. "Ganun na nga."
"Sige okay lang na lagi akong talo. Basta bestfriend parin kita. Win na rin yun." Aniya at ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.
