#LLDAB
Chapter 38
It has been a month since I last saw Angelo. Mula nang iwan ko siya noon sa ospital ay hindi na siya nagpakita o kahit nagparamdam man lang.
It was a bittersweet thing though. Magkahalong saya at lungkot ang naidulot nun sakin.
Masaya ako dahil sa hindi niya pagpapakita ay nakapagisip ako ng tama. I was afraid my judgement would be clouded if he's anywhere near me. Kaya naman ngayon nalayo siya ay nalinawan na ako.
Pero malaking parte din ng pagkatao ko ang nalulungkot. I feel like Ive lost him forever. Pakiramdam ko ay wala nang pagasa. Tapos na agad, wala pa man ding nasisimulan.
But can anyone blame me? I was hurt, alright. I was in pain that time. Masakit makita yung taong mahal mo, na nakikipaghalikan sa iba. Kahit pa hindi siya ang humalik ay parang nagenjoy siya. That itself was enough for me to be wrecked.
Alam kong nageffort siya. He was outside my apartment for days before he got hospitalized. Pero hindi ako yung babaeng padalusdalos. Nasasaktan ako noong mga panahong yun kaya hindi ko pa magawang magpatawad.
And it wasnt pride taking over me. It was hurt, pain and self-worth, all at once.
Im not the naive girl who'd jump into a relationship even though I have doubts. Ive learned over time that if you want to commit, you should be fully committed. Yung walang second thoughts. Yung walang pagaalinlangan.
Ayoko noong papasok ako sa isang relasyon tapos in the long run ay palagi lang kaming magaaway. Dahil nagdududa ako. Dahil hindi buo ang tiwala ko. Dahil hindi ako sigurado. That would be futile.
Naputol ang pagiisip ko ng kalabitin ako ni Kim. "Tulala ka na naman. Tapos na ba yung pinapagawa ni boss sayo?" She asked me.
I shrugged my thoughts away.
Inikot ko ang swivel chair ko para humarap sakanya at tumango. "Kagabi ko pa yun natapos." Sabi ko sakanya at tinuro ang design na pinagawa ni boss kahapon.
She nodded. "Bakit ba kasi ang bilis mong gumawa ng design?" Nakasimangot na sabi niya kaya natawa ako. "Ako nga hirap na hirap dito sa ginagawa ko, ikaw mina-mani mo lang." Sabi niya at ngumuso pa.
I shrugged. "Talent ata." Pagbibiro ko na lalong kinagusot ng mukha niya.
"Ang hangin." Narinig kong sabi ni Gerald sa likod ko. Boyfriend siya ni Kim. Ilang linggo narin mula nong magtrabaho ako dito at silang dalawa ang talagang nakasundo ko dahil pareho silang Pinoy.
I let out a mocking laugh. "Boyfriend to the rescue, huh." May halong sarcasm na sabi ko at bumalik na sa cubicle ko.
"Bitter alert." Sabay nilang sabi at bumalik na sa kanya-kanya nilang gawain.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.