Chapter 36 - Nanlamig.

13.3K 461 71
                                    

#LLDAB

Chapter 36

 

"Im all yours, my love." Bulong niya ulit sakin. Isa pang sabi niya nun ay sasapakin ko na talaga siya. Kanina pa siya nangaasar eh. Leche.

Umirap ako sakanya dahil sa sinabi niya. "Feel na feel mo talaga noh? Sinabi ko lang yun dahil naiinis ako. Wag kang feeler, please." Singhal ko sakanya na parang naiinis ako pero ang totoo ay kinikilig ako. Nagumpisa na ulit akong maglakad.

Inakbayan niya ako at bahagyang kinurot ang pisngi ko. "Wala ng bawian, my love. Sabi mo boyfriend mo na ako." Nakangiting aso na sabi niya.

Oo at gusto kong maging kami na pero hindi naman sa ganung paraan. Sinabi ko lang naman yun dahil inis na inis na ako sa nanlalandi sakanya.

Hindi ko siya pinansin kaya mas lumaki ang ngisi niya. "Uy. Kinikilig siya." Natatawang sabi niya.

"Wow. Ang kapal din. Talaga naman." Natatawang sabi ko. Bahagya ko siyang siniko sa tyan niya kaya napahiwalay siya sakin.

Umiling siya at hinapit ako sa bewang palapit sakanya. "Kinikilig ka, miss?" Napapaos na sabi niya at halos manlambot ang legs ko sa kilig.

Tinulak ko siya palayo sakin. "Saan mo ba nakuha yang kakapalan ng mukha mo?" Natatawang sabi ko pero unti unting humupa ang tawa ko ng may lumapit na babae kay Angelo.

She's pretty. Medyo kulot ang buhok at sexy. Tingin ko ay Pilipina siya pero parang may halo sa sobrang ganda niya.

Nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ni Angelo at mas nagulat pa ako ng halikan niya ito sa labi. Napahawak si Angelo sa bewang noong babae at napapikit.

Like he's enjoying the kiss.

Nanlamig ang buong katawan ko at naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Unti-unting kumakalat yung sakit sa buong sistema ko.

Nang maghiwalay yung labi nila ay agad na yumakap yung babae kay Angelo. "I missed you Stanley." Masiglang sabi ng babae na mahigpit ang pagkakakapit kay Angelo.

Stanley, huh?

Nakita ko ang sunod sunod na paglunok ni Angelo. I didnt say a word. No, the appropriate term would be, I cant say a word. Hindi ko alam kung anong irereact ko. O kung dapat ba akong magreact.

We're not official, yet. And I guess, just right now, we will never be.

"Buti nalang sinabi ni Tito Tristan na nandito ka pala sa New York. I've missed you, you know. Kailan ka ba uuwi ng Pinas para sabay na tayo?" Naglalambing na sabi nung babae at ngumuso pa.

Sinabi ni Tito Tristan sakanya? Who the hell is this girl?! Is she... I shook my head. No. It cant be. Nililigawan ako ni Angelo. He cant do this to me.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon