Chapter 8
I slowly opened my eyes after I heard the door closed. Nanatili ang tingin ko sa pintuan ko, wala nang luhang lumabas sa mata ko pero ramdam ko yung sakit.
Nanunuot sa buong sistema ko lahat ng sinabi niya. It was like a poison. It stings.
Hindi ko maintindihan kung bakit broken hearted ang tawag sa mga taong nasasaktan ng ganto. Parang hindi lang naman kasi puso ko yung nawasak, pakiramdam ko buong pagkatao ko kasi yung nawasak. Pakiramdam ko lahat ng parte ng katawan ko, masakit.
I closed my eyes. Wala na akong luha. Naubos na ata sa buong gabing pagiyak ko. Napagod na ata yung mata ko. Sana pati puso ko mapagod narin, para kusa na siyang huminto sa pagmamahal kay Angelo.
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising ako sa marahang paghaplos sa mukha ko. Para bang kung sino ang humahaplos sakin ay ingat na ingat. It was like mababasag ako anytime.
"S-Stephen?" Tanong ko pagmulat ng mata ko na tila ba hindi ako makapaniwala na nandito siya. Totoo ba to? "Anong ginagawa mo dito?" Dugtong ko.
He smiled tapos ay binawi niya yung kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Nakaupo siya sa upuan sa tabi ng kama ko.
"Susunduin ka sana." Aniya.
Nanlaki ang mata ko at napaupo ako. Agad naman akong napahawak sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng matinding sakit doon. "Sht." I blurted out. Pagtingin ko sa orasan sa side table ko ay mas nagulantang ako. "Its 10AM! May klase tayo! Bakit ka nandito? Oh god! Pumasok ka na." Hysterical na sabi ko.
He let out a soft chuckle. "Babantayan nalang kita dito. Sabi kasi ni Tita ay may sakit ka daw." Sabi niya.
I shook my head. "Nandito naman si Mommy. You should go to school." Sabi ko.
He shrugged. "Hindi din ako makakapagconcentrate sa school kakaisip kung kamusta ka na. Kung nakainom ka ba ng gamot. Kung kumain ka na ba. And besides, sobrang late na para pumasok." Sabi niya.
Oo at nakakakilig yung sinabi niya. If I wasn't broken, ay baka nayakap ko na siya sa sobrang sweet ng sinabi niya. Pero hindi, nakatitig lang ako sakanya.
Bakit kaya hindi nalang ako sakanya nainlove? I mean, gwapo din naman siya, matangkad, magaling magbasketball, mabait, sweet at caring. Pero bakit kaya kay Angelo pa?
Why do we humans have this habit of falling for someone out of our league? Yun bang maiinlove ka nalang, doon pa sa taong hindi ka magagawang mahalin, kahit kailan.
Kung sana pwedeng turuan yung puso na pwede lang siya mainlove sa nagmamahal sakanya para hindi siya masaktan. Kung sana pwede kong sabihin sa puso ko na 'Wag na si Angelo ang mahalin mo kasi para sakanya kaibigan ka lang. Kay Stephen ka nalang, atleast yun hindi ka sasaktan. Kaso hindi eh.
Hindi natuturuan ang puso.
But I guess this is better right? Yung nangyari sa amin ni Angelo. At least ngayon may sagot na sa tanong sa isip ko. He's sweet kasi magbestfriends kami. Yun lang. At least ngayon, alam ko na yung stand ko.
"You okay?" Aniya at naramdaman kong hinawakan niya yung kamay kong nakapatong sa lap ko.
I nodded but I did not say a word. Prolly because Im speechless. Hindi ko alam ang dapat na isagot ko sakanya.
"You're probably hungry." Sabi niya at tumayo. "I'll go get your breakfast. Tsaka para makainom ka rin ng gamot." Aniya at tumalikod na.
Bago siya makalabas ay tinawag ko siya. "Stephen." I called him. He stopped on his tracks and faced me.
"Yes princess?"
I flushed. "Sama na ako sa baba. Doon na tayo kumain." I said indicating na hindi lang ako ang dapat na kumain kundi pati siya.
Tumayo ako at inayos ang gulo gulo kong buhok. Nagaalangan siyang lumapit sakin. "Are you sure? Kaya mo na ba?" Tanong niya.
"Oo naman. Nakakatayo at nakakalakad naman ako noh." I beamed at him.
Ngumiti lang siya at inalalayan ako pababa. Pagdating namin ay naabutan ko si Mommy na kakapasok lang ng bahay. Nakalagay ang cellphone niya sa tenga niya, tanda na may kausap siya.
"Oh Stephen, Yna." Bati ni Mommy samin. "Ay naputol." Sabi niya nang naputol ata yung tawag ng kausap niya.
"Ayos ka na ba?" Tanong niya sakin at nilapitan ako.
I nodded. "Good morning Mom. Si Daddy po?" I asked her.
"Kakaalis lang. He checked up on you kanina kaso natutulog ka pa at may meeting siya kaya kailangan na niyang umalis." Mahabang paliwanag ni Mommy.
Tumango lang ako bilang sagot. "Kakain na po pala kami." Sabi ko at sinenyasan si Mommy na kasama si Stephen.
Magkakilala naman na sila. Last Valentines kasi ay pumunta siya dito sa bahay at may dalang bouquet at teddy bear. Both my parents are okay with him. Okay lang kasi kanila Mommy na magboyfriend kami ni Ate. Palibhasa sila ni Daddy ay high school sweethearts.
Nakahanda naman na yung pagkain sa lamesa. Umupo ako sa usual na upuan ko at umupo naman si Stephen sa tabi ko.
Nagulat ako ng siya mismo ang maglagay ng pagkain sa plato ko. Nakatitig lang ako sakanya habang pinupuno niya yung plato ko.
"Kuha lang ako ng gatas." Paalam ko sakanya pero pinigilan niya ako.
"Ako na. Saan ba?" Sabi niya ng nakatayo na.
Tinuro ko yung ref. "Nandun." Sabi ko sakanya.
Pagalis niya ay humagikgik si Mommy sa likod ko. "I really like that suitor of yours." Sabi ni Mommy na nakatingin kay Stephen. Napatingin ako kay Stephen na nagsasalin ng gatas ko.
"Mom!"
"What?" She asked innocently and tapped my shoulders. "Hindi siya pumasok para alagaan ka. Who does that?" Aniya at iniwan na ako doon.
Yeah. Who does that? Si Stephen lang.
Kung pwede lang talagang turuan ang puso. Kung pwede lang.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.