Chapter 14 - Nakahinga.

14.3K 533 101
                                    

Chapter 14

 

Everything seems so perfect. Mula sa lugar, sa ayos ng lugar, sa cake, lahat lahat ay perfect. Just like what I imagine a birthday surprise would be. But the thing is, its not for me.

This whole birthday surprise is for Ate. And Angelo really did a great job planning all these. Inilibot ko yung paningin ko. Medyo madami rin palang invited. Mga kaibigan ni Ate mula nung highschool at yung iba ay ngayong college.

"Ate Yna!" Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin. It was Trisha. Niyakap ko din siya pabalik.

"I missed you!" Sabi ko sakanya. Humiwalay siya sa yakap at sunod na yumakap sakin si Ate Kate.

Ang ganda talaga ni Ate Kate. Walang kupas. No wonder maraming nababaliw sakanya. "Hi Ate." Sabi ko.

"Namiss kita! Hindi ka nagpupunta sa bahay." Sabi niya sakin. Napatawa nalang ako bilang sagot. Matagal na pala akong hindi nakakapunta sa bahay ng mga Montefalco.

Nakita kong papalapit na sa amin si Tita Kathy at Tito Tristan. They were both smiling at each other, looking so inlove. As usual.

I wonder, ganyan din kaya sila Ate Yza at Angelo in the near future? Pag kinasal na sila? Napapikit nalang ako sa naiimagine ko.

"We missed you!" Salubong ni Tita Kathy sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Namiss ko din po kayo." Sabi ko sakanila at malungkot na ngumiti. This family has been my second family. Too bad nalamatan kami ni Angelo kaya hindi ko na sila nakakasama.

"Si Stephen nga po pala. This is Tita Kathy, Tito Tristan, Ate Kate and Trisha." Pakilala ko sakanila kay Stephen na nasa tabi ko.

"Yie. Diba Ate siya yung lagi mong kasama sa school?" Pangaasar ni Trisha sakin.

Umupo sila Tita sa nakareserve na seat sakanila at nakipagusap kanila Mommy.

"He's really inlove." Sabi ni Ate Kate sa isang tabi ko. Napatingin ako sa tinitignan niya. It was Angelo na busy sa kakakausap sa mga tao para ata icheck kung perfect ang surprise niya.

I nodded and felt the familiar lump on my throat.

"Imagine. Kagabi pa siya dito sa resort just to prepare for this surprise." Ani pa ni Ate Kate.

So kaya pala siya nagmamadali maiuwi ako kagabi dahil dederetso pa siya dito. Now, I get it.

Nanatili ang tingin ko kay Angelo na ngayon ay may kausap na sa phone. He was pacing back and forth na para bang maiihi siya sa kaba.

Yep. He's really inlove.

"Uhm. Nandyan na daw po si Yza. So papatayin na po muna yung ilaw. Thank you." Sabi niya ng lumapit siya sa mic na nakalagay sa stage.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon