Chapter 11 - Sariling mundo.

14.7K 570 107
                                    

Chapter 11

 

"Sis ano bang maganda? Eto o eto?" Ani Ate nang pumasok siya sa kwarto ko at pinakita ang dalawang two piece. Isang red at isang black.

I plainly looked at it. "Yung black." Sabi ko.

"Thank you!" Aniya at tumalon para yakapin ako. "Kinakabahan ako." Sabi niya.

I chuckled. "Bakit naman? Kilala naman nila Mommy si Angelo." Sabi ko sakanya. Ngayon niya kasi formal na ipapakilala si Angelo bilang boyfriend niya.

Sila Mommy at Daddy ay nasa baba na at naghahanda para sa barbeque slash pool party namin.

"Pero syempre iba parin to. Dati kilala lang siya as bestfriend mo. Ngayon level up na, boyfriend ko na." Aniya.

Naramdaman ko yung matinding kirot sa dibdib ko pero pinilit kong balewalain yun. Of course, I know that. Hindi na kailangan isampal sakin ang katotohanan na boyfriend mo na ang bestfriend ko.

"Teka magbibihis na ko, baka dumating na si Angelo maya maya. Ikaw rin, magayos ka na, baka dumating na si Stephen mo." Aniya at kumaripas na ng takbo palabas ng kwarto ko.

Napakunot yung noo ko. Stephen ko? Shit. Ininvite nga pala siya nila Mommy kanina nung inihatid niya ako pauwi. I totally forgot about that.

Tumayo ako at naghanap ng pwedeng isuot. Nakita ko yung yellow two piece na last year ko pa binili pero hindi ko pa nagagamit dahil ayaw ni Angelo isuot ko to nung nag-Boracay kami last summer nila Tita Kathy.

Sinuot ko yun at pinatungan ng black short shorts at white spaghetti-strapped cropped top. Siguro naman ay okay na to.

Nang matapos ako ay may narinig akong tunog ng sasakyan kaya sinilip ko sa bintana kung sino yun. It was Angelo.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko. Kung pwede lang sana na doon nalang ako ay mas mabuti. Ayokong makinig dito sa meet the parents thing nila Ate.

Pagdating ko sa garden ay halatang ipapakilala na ni Ate si Angelo.

"Mom. Dad. Si Angelo po, boyfriend ko." Pakilala ni Ate kay Angelo. Nakita kong magkatabi sila at magkahawak kamay. Wow sweet.

"Tita. Tito." Ani Angelo at bahagyang yumuko para magbigay galang.

Ngumiti si Daddy at tinapik ang balikat ni Angelo. "Mabuti nalang at ikaw ang naging boyfriend ni Yza. At least panatag ang loob kong hindi mo papaiyakin ang panganay ko." Sabi ni Daddy at tumawa pa.

Ay oo Dad! Hindi niya papaiyakin ang panganay mo! Pero pinaiyak na niya ang bunso mo! Great, diba?

Alanganing tumingin sakin si Mommy. Ngumiti ako sakanya at nagthumbs up. "Im happy for the both of you." Sabi ni Mommy at niyakap ng bahagya si Ate.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon