Chapter 30 - Nasurpresa.

15.5K 555 120
                                    

#LLDAB

Chapter 30

 

"So kamusta na kayo ni Angelo?" Nabigla ako sa tanong ni Ate habang nagpapaayos ako para sa graduation ko.

Tinignan ko siya gamit ang salamin, nagpapahairspa si Ate para daw hindi siya mabore kakahintay sakin. I shrugged. "Wala akong balita sakanya." Simpleng sabi ko para hindi na humaba ang usapan pero makulit talaga si Ate.

Nakita ko ang bahagyang pagnguso niya. "C'mon. You can tell me. Matagal na iyong samin ni Angelo at alam mong masaya na ko kay Tof." Aniya.

Alam ko naman na nakamove on na si Ate. Mukhang masaya siya sa bago niyang boyfriend na si Cristof, or Tof for short. I havent met him though dahil nasa Pinas ito pero nakausap ko siya kagabi nang mag-Facetime sila ni Ate.

Napatawa ako at umiling. "Wala nga. Promise." Natatawang sabi ko dahil ayaw niyang maniwala sa sinabi ko.

Eh sa wala naman talaga. Wala akong kahit anong balita kay Angelo. Ni-hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon but I bet nasa Pinas siya.

"Sabi mo eh." Sabi niya nang may malaking ngisi. Napanguso nalang ako bilang sagot sa pangaasar ni Ate.

"Hi baby girls." Bungad ni Mommy pagkakita niya samin ni Ate. Humalik siya sa pinsgi ni Ate habang niyakap niya ako ng bahagya dahil baka masira ang makeup ko kung hahalik siya sakin.

Mamaya after graduation ay may family dinner daw kami para icelebrate ang pagtatapos ko ng kursong Architecture.

Naging mabilis ang graduation rites. Paglabas namin ng hall ay mabilis kaming nagyakap nila Arisse at Chie. "Graduate na tayo girls!" Masayang sabi ko sakanila.

"Finally!" Sabi naman ni Chie at Arisse. Maya maya ay yumakap naman si Pat kay Arisse.

Napalingon ako sa umakbay sakin. "Congrats, princess." Ani Stephen at ngumiti ng malawak.

"Congrats satin!" Masayang sabi ko naman at yumakap sakanya. After five freaking long years ay nakatapos din kami ng sabay sabay.

Napahiwalay siya sakin at napatitig sa likod ko kaya naman napalingon din ako kung saan siya nakatingin. "Lapitan mo na!" Pangungumbinsi ko sakanya.

Umiling siya ngunit hindi inalis ang pagkakatingin kay Jessica. "Nakakahiya." Aniya.

I slightly punched his arm. "Kailan ka pa naging torpe?!" I hissed. Tinulak ko siya hanggang sa mapunta siya sa harap ni Jessica.

"Uh - hi Jess. C-Congrats." Awkward na sabi niya kay Jessica at halos humagalpak ako kakatawa pero pinigilan ko yun.

Leche! Kailan pa siya naging ganyan ka-kabado sa babae?! Nakakatawa! Parang high school na first time magkacrush. Ew.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon