#LLDAB
Chapter 29
Maaga akong gumising dahil ngayon ang dating nila Mommy para sa graduation ko bukas. Ang parents ni Stephen ay kahapon dumating at sa isang hotel nagsstay.
I heard from Mom na doon din daw sila magsstay pero pipilitin ko sila na sa apartment nalang. I miss them and I wanna be with them.
"Lets go?" Nagulat ako ng magsalita si Stephen mula sa labas ng pinto ko.
Napalingon ako sakanya. "Sasama ka? I thought may lakad kayo nila Tita?"
He smirked. "I dont trust your driving skills, you know." Aniya.
Dumampot ako ng unan sa kama ko at binato sakanya. "Bwisit! Magaling na kaya ako magdrive!" I hissed.
Kasi naman nang maghiwalay kami ay nagpasya akong magaral magmaneho. Syempre ay alam kong hindi na ako pwedeng sumabay sakanya papasok at pauwi. Kinuhanan naman ako nila Mommy ng sarili kong sasakyan dito so I can handle.
Ang kaso ay ang hirap talaga magmaneho. Kaya ang ending ay sumasabay parin ako kay Stephen papasok. Mula noon ay lagi niya akong inaasar tungkol sa pagmamaneho ko.
Marunong naman na kaya ako. Hindi nga lang kasing galing ng iba pero hindi pa naman ako naaaksidente.
"Whatever you say, Yna. Tara na, para hindi maghintay sila Tita." Natatawang sabi niya at tumalikod na para bumaba.
Pagdating namin sa airport ay kakaland lang ng airplane nila Mommy galing Manila so baka 15 minutes pa bago sila makalabas.
"Water." Inabot sakin ni Stephen ang isang mineral water habang siya naman ay uminom na sa dala niya.
"Thanks. By the way, paano na yung lakad niyo nila Tita?" I asked him.
He shrugged. "Ihahatid din naman natin sila Tita sa hotel, so tsaka nalang kami aalis nila Mommy." Sabi niya.
I nodded. "Kaya lang pipilitin ko pa sila Mommy na doon nalang sa apartment muna. Gusto ko kasi sila makasama habang nandito sila." Sabi ko.
Tumingin siya sakin at nagtaas baba ng kilay. "Pwede rin naman. So sila Tita sa kwarto mo. Tapos dun ka sa kwarto ko? Para-paraan ka ha." Nangaasar na sabi niya.
Kinurot ko siya sa tagiliran kaya naman napaigtad siya at napatawa ng malakas. "Ang kapal mo! Kasya naman kami doon. Dalawa lang naman sila, si Mommy at si Daddy." Sabi ko sakanya.
I dont think na sasama dito sa Ate Yza. Noong pumunta sila Daddy dito noon para makipagayos ay nagpaiwan siya sa Pinas. I bet she still hates me.
Siguro nga ay mas lumala ang galit niya sakin dahil hiniwalayan siya ni Angelo after ng confrontation namin. But I dont know, ang sabi ni Mommy ay may boyfriend na daw si Ate. Hindi ko alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/33957753-288-k41955.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomansaLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.