#LLDAB
Chapter 34
Unti-unti kong naramdaman na pinagsaklop niya yung mga daliri namin habang naglalakad kami sa tabing dagat. Hinayaan ko naman siya dahil masarap naman sa feeling na kahawak ko siya ngayon ng kamay.
After namin kanina sa park ay dinala niya ako sa isang japanese restaurant para maglunch. Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami dito sa beach.
Malapit narin magsunset. Hindi ko namalayan na ilang oras na pala kami ni Angelo dito. Namiss ko ito. Namiss ko siya.
"Ang ganda dito noh." I muttered. Gusto ko talaga pag pumupunta sa beach. Pakiramdam ko narerelax ako.
He squeezed my hand. "Mas maganda yung babaeng kasama ko." Sabi niya.
Napanguso ako at umiling. "Kailan ka pa naging bolero. Dati lagi mong sinasabing pangit ako." Natatawang sabi ko.
Dati. Noong magbestfriends pa tayo.
Nang makakita siya ng magandang spot ay naglatag siya ng sarong at iginaya ako paupo doon. Tumabi siya sakin at napatingin ako sakanya ng kunin niya yung kamay ko.
Pinaglaruan niya yung mga daliri ko. Ibinaling ko yung tingin ko sa dagat at inisip kung tama ba ang gagawin ko. Kagabi ko pa gustong gawin ito kaso naduwag ako. Now I know, this might ruin our date but I badly need this.
"P-Pwede ba akong magtanong?" Lakas loob kong tanong sakanya.
"Of course. What is it?" Mabilis na sabi niya habang patuloy ang paglalaro sa mga daliri ko.
Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. "Bakit - Bakit hindi mo sinabi sakin na may gusto ka pala kay Ate - dati?" Tanong ko sakanya.
Fck. Hindi ko alam kung paano ko yun nasabi ng ayos dahil pakiramdam ko hihimatayin ako sa sarili kong tanong.
Alam kong sinabi niyang mahal niya ako at liligawan niya ako. But I need answers. Kailangan ko ng sagot sa mga tanong na bumabagabag sakin mula pa noon.
I know its been years pero kailangan ko lang ng sagot. I need my questions answered in order to have my desired closure from the past. Kailangan kong isarado ng tuluyan lahat ng nangyari noon para wala akong pagaalinlangan sa future.
Sabi nila, sometimes not having closure is the closure. Pero hindi ako naniniwala doon. Dahil kahit gaano mo lokohin yung sarili mo na okay na yun, past na yun, wala na, ay hindi mo parin magawa dahil maraming tanong sa isip mo. At ang paraan lang para tuluyang matuldukan yung nakaraan ay masagot yung mga tanong mo.
Nakita ko sa gilid ng mata kong napatingin siya sakin. I didnt bother looking at him. Desidido na akong pakinggan kung ano man ang mga sagot niya sa mga itatanong ko. Kahit masakit pa yan ay tatanggapin ko. Para matapos na to, once and for all.
![](https://img.wattpad.com/cover/33957753-288-k41955.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.