#LLDAB
Chapter 32
Nanatiling nakapikit ang mata ko habang nasa byahe kami. I was thinking kung paano ang setup namin. If I should let him stay here with me, or uuwi kami ng Pinas, or pauwiin ko siya while I stay here.
I know overthinking kills but I just cant help it.
Nagtatalo ang isip ko. A big part of me is saying na hayaan ko muna siya dito. He's putting me on his top most priority, just like the old times noong magbestfriend pa kami. Kaya naman parang gusto kong ganto muna kami. Kasi gusto ko munang maramdaman na ako ulit yung inuuna niya.
But then, I cant be selfish. Paano ang kompanya nila? Inaasahan na siyang magtake over pero mas pinili niyang magstay dito para ligawan ako. Its sweet but its hard on my part knowing na naaabala ko ang career niya.
Nang huminto yung sasakyan ay tsaka lang ako nagmulat ng mata. Nasa tapat na pala kami ng apartment namin ni Stephen. Wala pa ang sasakyan niya hudyat na hindi pa siya nakakauwi.
Nagulat ako ng maramdaman ko yung kamay ni Angelo na hinawakan ako sa baba para ipaharap sakanya. Tahimik kami habang nakatingin sa mata ng isa't isa.
"You okay?" Mahinang tanong niya sakin at hindi pinakawalan ang titig ko.
Unti-unti akong tumango at nilunok ang nakabarang kung ano sa lalamunan ko. "Y-Yeah." Shit. Why am I stuttering?!
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "You're not." Pagdedeklara niya. "I know you, my love. Kahit ilang taon tayong nagkalayo ay kabisado parin kita." Sabi niya.
I sighed. Oo nga pala at bestfriend ko siya. Malamang alam niya pag may iniisip ako or hindi ako okay. Kabisado niya ako, parang ako sakanya. Sa sampung taon naming pagkakaibigan ay kabisado namin ang ugali ng bawat isa.
"Iniisip ko kasi kung paano yung buhay mo sa Pinas." Napanguso ako at nagpatuloy. Mas lalong kumunot ang noo niya. "Paano ang kompanya niyo? I mean, yes I want you here pero parang ang selfish non."
Im done with all the lies. Gusto ko ay maging open kami sa isa't isa. If we want to work this out ay dapat hindi ko itago ang nasa isip ko.
Nagpalabas siya ng buntong hininga bago niya ako hapitin palapit sakanya. He hugged me tight and I buried my face in his chest. "I told you, you dont have to worry about it." Sabi niya.
"Pero kasi -"
Agad niya akong pinutol. "If it would make you feel any better, si Daddy mismo ang nagsabi na sundan kita dito."
Literal na nalaglag ang panga ko. Si Tito Tristan ang nagsabing sundan ako ni Angelo? I mean, why? Hindi ko lubos maisip kung bakit.
"W-What?" Nauutal kong sabi.
He shrugged. "If you love her, chase after her. Even if you have to travel halfway around the world, then go. Yun, yun mismo ang sinabi ni Dad sakin."
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.