Chapter 7 - That's why.

14.9K 514 186
                                    

Chapter 7

 

Habang nasa byahe kami ni Stephen ay tahimik lang ako. Nakatingin ako sa labas at walang tigil yung luha ko.


He didnt ask me anything, basta inalalayan niya lang ako papunta sa sasakyan niya at nagdrive na siya papunta sa bahay namin.


I should thank him some other time for giving me the silence I wanted. Hindi ko kayang magsalita o magkwento ng tungkol sa nangyari.


It was too painful I wanna just rip off my memories of what happened earlier.


Pwede pala yun, yung sa sobrang sakit ang gusto mo nalang ay makalimutan lahat.


Pag dating namin sa tapat ng bahay ko ay pareho kaming walang imik. I looked plainly at my hand na ngayon ay hinawakan niya ng mahigpit.


"If you need someone to talk to, always remember that Im here, alright?" He said and squeezed my hand. Napatingin ako sakanya, I know my eyes looked bloodshot. He pulled me for another hug. "Pero hindi kita pipilitin. Just want you to know that Im here. Pwedeng iyakan. Pwedeng makinig."


I slowly nodded before getting away from the hug.


"T-Thank you." Garalgal yung boses ko. Damn.


Ngumiti lang siya at bumaba na ng sasakyan para pagbuksan ako. Papasok na ako ng bahay ng tawagin niya ako.


"Yna." Tawag niya. "Pwede ba kitang sunduin bukas?" Aniya.


I forced a smile and nodded. I might need a ride, in case.


Pagpasok ko sa bahay ay hindi katulad ng dati na masaya akong sisigaw ng Im home ang bungad ko. I wiped my tears away para walang makakita na umiiyak ako tapos ay dumeretso na ako sa kwarto ko.


Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakahiga sa kama ko at umiiyak. Paulit ulit na nageecho sakin yung salitang bestfriend.


Nagulat ako ng marinig ko si Ate sa labas ng pinto ko.


"Yna!" Masayang tawag ni Ate sakin pagpasok niya sa kwarto ko.


Pinunasan ko yung mukha ko gamit yung kamay ko para hindi mahalata na umiiyak ako. Umupo ako ng ayos sa kama. "Mukhang masaya ka Ate ah?" Nakangiting tanong ko.


Buti ka pa, masaya.


Ako eto, kakagaling lang sa matinding heartbreak. Matinding matinding heartbreak.


Umupo siya sa tabi ko at inalog alog ako. "Kami na! Kami na! Kami na!"


Out of nowhere ay napataas ang kilay ko. "Kayo na? Sino?"


As far as Im concerned, wala namang nanliligaw kay Ate.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon