Chapter 33 - Nararamdaman.

15.9K 486 21
                                    

#LLDAB

Chapter 33

 

"Ang pangit!" Pang ilang beses na sabi ko at nagmartsa patungo sa kama ko. Tinignan ko ang mga damit kong nakalatag sa kama pero parang wala akong maisip na isuot para sa date namin ni Angelo ngayon.

Nakasampung palit na ata ako pero hindi ko talaga mawari kung bakit parang ang pangit. Parang walang bagay sakin. Nakakainis!

Napatingin ako sa cellphone kong tumunog. Kinuha ko yun at binasa ang text ni Angelo.

From: Angelo

Im on my way. See you, my love.

Nanlaki ang mata ko at automatic na napatingin ako sa orasan. "Damn!" I hissed.

9:30 na pala at halos dalawang oras na akong namimili ng susuotin ko. Fcking shit. Ang aga ko pa naman gumising pero nagtagal ako sa pagpili damit.

But who am I kidding? Maaga gumising? No. Halos hindi ako nakatulog ng ayos kakaisip sa mga pangyayari kagabi. Hindi parin ako makapaniwala na mahal nga ako ni Angelo.

Kinuha ko yung isang floral dress na hindi ko pa nagamit kahit kailan. Binili namin to nila Arisse noong nagshopping kami last month pero hindi ko pa nasusuot.

Napatingin ako sa salamin at medyo nakuntento na ako sa suot ko. Nagsuot ako ng plain cream na flats at naglagay ng konting powder at lipstick.

Paglabas ko ng hagdan ay literal na nalaglag ang panga ko ng makita ko si Stephen. Hawak niya ang maleta niya at saktong kakalabas niya lang din ng kwarto niya.

"San ka pupunta? Bakit may maleta? You're leaving?" I asked him. Tinuro ko ang maleta niya. Napatingin ako sa kwarto niya at nakita ko pa ang isang maleta doon.

Tumango siya. "Im moving out." Nakangiting sabi niya na para bang wala lang yung sinabi niya.

"Ano?!" Napalakas ang boses ko sa sinabi niya. Anong moving out? Nalaman ba niyang ayaw ni Angelo na nasa iisang apartment kami?

Ngumisi siya at nilapag ang maleta niya. "Ayaw mo ba?" Natatawang sabi niya at sumandal sa gilid ng pinto niya. Napakunot ang noo ko kaya mas napatawa siya. "Joke lang. Iiyak ka na eh." Sabi niya.

Sumimangot ako. This is no joke. "Bakit nga?" I asked him.

"Nakausap ko na sila Tita tungkol dito. Graduate naman na tayo at sa tingin ko mas okay kung hahanap na ko ng place ko. At pumayag naman sila, so." Sabi niya.

"Pumayag sila Mommy?" Gulat kong sabi. My god. Ano ba tonf umagang to. Puro nakakagulat ang pangyayari. Una, aalis na si Stephen. Pangalawa, pumayag sila Mommy.

Tumango siya at umauos ng tayo. "Nakahanap narin naman ako ng place so, yeah." Sabi niya at binuhat ulit ang maleta niya.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon