Chapter 9 - Focus.

14.3K 480 70
                                    

Chapter 9

 

True to his words ay buong araw nga nagstay si Stephen para alagaan ako. Kahit na medyo bonding ang naging labas ng pagaalaga niya.

After naming kumain ay nagpasya kaming manuod muna ng movie sa kwarto ko. Noong una ay ayaw pa niya dahil gusto niyang magpahinga ako, pero sabi ko ay okay naman na ako. At isa pa, sinabi kong sa kwarto ko nalang kami para in case mapagod ako ay pwede akong magpahinga agad.

Totoo rin nung sinabi kong okay na ko. Somehow, gumaan yung pakiramdam ko dahil pinapatawa ako ni Stephen kanina. Kahit papaano ay nawala yung bigat sa dibdib ko.

"Gusto ko ng chicken." I blurted out of nowhere. Parang bigla akong nagcrave sa fried chicken. "Teka, hindi ka ba hahanapin sainyo?" Sabi ko dahil napansin kong nadilim na sa labas.

Tumingin siya sakin at umiling. Nasa pangatlong na movie na kami and its almost 6PM. "Hindi naman. Nagsabi ako kanila Mommy." Sabi niya. Kumuha siya ng unan, nilagay niya sa ulo ko na kanina ay nakapatong sa lap niya.

"Oh san ka pupunta? Akala ko di ka hahanapin?" Sabi ko ng bigla siyang tumayo.

Medyo naging comfortable narin ako kay Stephen. He's really nice and all. Kanina pa niya ko chinecheck kung may masakit daw ba sakin o kung nagugutom ba ako.

Ngumiti siya. "Gusto mo ng chicken diba? Papadeliver ako." Sabi niya at kinuha ang phone niya.

Napanguso ako. Kung ganto siya palagi ay talagang masspoil ako. Lahat ng hingin ko mula pa kanina ay talagang ibibigay niya. Kanina ay nagpadeliver narin siya ng pizza dahil medyo natakam ako sa pinapanuod namin.

"Wag na." Pigil ko sakanya. "Masspoil na ko sayo nyan eh." Sabi ko.

Ngumisi lang siya at pinagpatuloy ang pagtawag. Umorder siya ng isang bucket at kung ano ano pa sa KFC. Habang naririnig ko siyang nagsasalita ay parang gusto ko na agad maglaway.

"Ang kulit." I muttered pero ang totoo ay natatakam na ako. Gusto ko talaga ng chicken.

Pagbaba niya ng tawag ay bumalik siya sa pagkakaupo sa kama ko at pinatong ko uli yung ulo ko sa lap niya. Pinaglaruan niya yung buhok ko. Suddenly, I felt relaxed.

"Yun nga yung gusto ko eh. Yung ispoil ka." Sabi niya.

Ngumiti lang ako at binalik ang atensyon ko sa pinapanuod namin. Oo at nagiging komportable na kong kasama si Stephen pero tuwing babanat siya ng ganyan ay hindi ko maiwasang hindi mailang.

Umamin ako kahapon kay Angelo at nasaktan tapos ay ngayon bumabanat ng ganun si Stephen. Medyo awkward pero buti nalang at hindi niya pinupush pag alam niya na-aawkwardan ako.

Kanina ay formal ko siyang pinahintulutan na ligawan ako pero sinabi kong bigyan niya lang muna ako ng konting time. Hindi para gawin siyang panakip butas sa puso kong nasasaktan kundi dahil alam kong deserve niya mabigyan ng chance. Pinaramdam niya kung ano yung importansya ko sakanya.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon