Chapter 4 - Manliligaw.

17.2K 501 34
                                    

Chapter 4

 

"Good morning, Yna." Bati ni Stephen at agad na inabot sakin ang isang long stem rose pagpasok na pagpasok namin sa room.

Tumango ako ng bahagya sakanya at hilaw na ngumiti. "Good morning.” Bati ko. Classmate pala namin to.

Tumikhim si Angelo sa likod ko at inakbayan ako. "Ayan na naman yung makulit mong manliligaw." Bulong niya sakin.

“May sinasabi ka, dude?” Ani Stephen kay Angelo.

Siniko ko siya ng bahagya at nginitian uli si Stephen. "Thank you dito." Sabi ko at hinila paupo si Angelo.

"Thank you dito." Panggagaya ni Angelo sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

Stephen Loyzaga, basketball player, gwapo, matangkad at drop dead gorgeous but I dont know why cant I bring myself to like that guy. Last year pa siya nanliligaw sakin pero hindi ko talaga siya gusto.

 

Paano mo siya magugustuhan eh nakafocus ka kay Angelo?

 

Yeah, right.

"Seriously? You're gonna keep that?" Ani Angelo.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Yes? Maganda naman ah." Sabi ko.

"Itapon mo na yang rose na yan. Bigyan nalang kita ng garden kung gusto mo." Aniya.

Sinimangutan ko siya. "Can you not?!" Sabi ko at umayos ng upo.

Hindi naman kasi garden ang gusto ko. Gusto mong malaman kung anong gusto ko? Ikaw!

Pero syempre hindi ko sasabihin yun. Duh. No way. Highway!

"Pwede ba akong umupo dito?" Napaigtad ako ng magsalita si Stephen sa gilid ko. Tinuro niya yung upuan sa tabi ko na bakante.

Tatango na sana ko ng marinig kong tumikhim si Angelo kaya napatingin ako sakanya.

Umiling naman agad si Angelo. "That seat is taken." Aniya at nginuso si Miles na kakapasok lang.

Agad naman akong tumayo para yakapin si Miles. "God! I missed you! I thought next week ka pa papasok?" I asked her as we separated from the hug.

Umupo siya sa upuan sa tabi ko at sinenyasan na parang tinataboy si Stephen.

"Napaaga yung flight kasi nagkaproblema sa kompanya. You know. Dad and his business." Aniya at umirap. Kinuha niya yung long stem rose sa lamesa ko at binato yun sa bintana.

Nanlaki yung mata ko. "Miles!" Pagangal ko.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon